THIS CHAPTER IS EDITED
IT'S your lucky day, Mr. Sarni. I've found your output," masayang wika ni Ms. La Fuerte. "Have a sit."
Naupo si Leo sa harap ng mesa ng professor. "Thank you ho, ma'am, dahil nahanap niyo," nakangiting sabi ni Leo. Labis ang kagalakan ni Leo dahil nahanap na proyektong pinagpuyatan niya ng ilang gabi. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Pansin niyang maganda ang mood ng professora. Maaliwalas ang aura ng mukha nito. Kailan ba niya huling nakita na good vibes ang professor? Hindi na niya maalala.
"Hindi ako ang dapat mong pasalamatan. Gelo and Amir initiated to look for your output. Hinalungkat nila ang opisina ko. I already evaluated your output. Would you like to take your exam now?"
"Do I have other choice, ma'am?"
Ngumiti ang professora. "You can take the exam on Monday if you like. Alam ko na mahihirap sa sunod-sunod na exams niyo. Go and take a rest."
Naagtataka si Leo. First time na maging considerate ng istriktong professora. Pinakatitigan pa niya ito kaya napansin niyang nagmumula ang mga pisngi nito, nagkaroon ng buhay.
"Maraming salamat sa pang-unawa, ma'am. Babalik po ako sa Lunes para mag-exam."
NAG-AALALA si Leo dahil dalawang araw na niyang hindi nakakausap si Ivy. Umaga pa niya ito kinkontak sa cell phone at pabalik-balik na rin siya sa labas ng bahay ng dalaga ngunit walang sumasagot sa kanya. Nakasara rin ang bahay nito kaya hindi niya alam kung naroon ito sa bahay kaya ng makita niyang ito sa may gripo ay natanggal ang nararamdaman niyang pag-aalala. Agad niya itong nilapitan at kinausap. "Dalawang araw kang hindi lumalabas ng bahay mo. Ano'ng nangyari?"
Hindi sumagot si Ivy kaya nagpatuloy siya. "May sakit ka ba?" Sinalat niya ang noo ni Ivy.
"Pwede ba? Wala akong sakit," iritadong sabi ni Ivy.
"Ngayon lang tayo nagkita uli sinusungitan mo pa ako," may bahid ng pagdaramdam na pahayag ni Leo. Dagling nawala ang pagdaramdam niya ng makita ang pagdaan ng sakit sa mukha ng dalaga. "Aaaw."
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Maupo ka na diyan. Ako na ang magsasalok ng tubig."
"No. Ako na. I can manage," matigas na tanggi ni Ivy.
"Hindi mo na nga kaya. Kung makikita mo lang ang mukha mo ngayon. Halatang namimilipit ka sa sakit," maawtoridad na sabi niya. Nagpatuloy siya sa mas malumanay na tinig. "Ako na ang mag-iigib para sa 'yo. Doon ka muna sa upuan." Itinuro niya ang upuan malapit sa pinto.
Tiningnan muna siya ni Ivy bago ibinababa ang mga dalang timba. "Okay. Salamat. Pakideretso na lang sa CR."
"Paki-lagyan ng mainit na tubig. Salamat," sabi ni Ivy kay Leo. Ayaw niya ng malamig na pampaligo kapag may dalaw siya. Nasapo niya ang noo ng maramdaman ang pamimintig ng ulo. Sumasakit na naman ang ulo niya. Naikontra ng pagpupuyat niya kagabi. If only she knew earlier na darating pala ang dalaw niya, hindi sana siya nagpuyat. Pagkatapos makapaligo ay naabutan niya sa kusina si Leo na nagluluto ng pagkain. Sinilip niya ang niluluto nitong ulam na may sabaw. Sinigang.
"Saan ka kumuha ng niluto mo? At bakit ka nagluluto sa bahay ko?" Tanong ni Ivy.
"Napakatagal mong maligo. Malapit na akong mabagot sa kakahintay sa 'yo kaya nagpasya na akong bumili ng malulutong pagkain habang hinihintay kita."
"Hindi ko sinabi sa 'yo na hintayin mo 'ko," paalala ni Ivy.
Nagkibit-balikat si Leo. "I can't help it. Matagal kitang hindi nakita kaya gusto kitang makasama kahit sandali."
Kumunot ang noo ni Ivy. Naguguluhan. "Bakit mo ginagawa 'to?" Nahihiwagaang tanong ng dalaga. "Bakit mo ako ipinagluluto? Bakit mo ako inaalagaan? Bakit ka nandito?" Naglakas loob siyang tanungin ang binata. Ayaw niyang lalong mahulog ang loob niya sa huli at paasahin lang. Masakit ang umasa at masaktan.
"Dahil gusto kitang makita. Dahil gusto kong masiguro na maayos ka. Hindi ko alam kung bakit ako alalang alala sa 'yo. Hindi mapanatag ang loob ko kapag hindi kita nakikita. Lagi kitang iniisip. Sa loob ng dalawang araw na hindi kita nakausap, iniisip ko kung ano ang ginagawa mo. Kung kumusta ka na. Ewan ko. Mahal na yata kita."
Ilang beses na kumurap si Ivy at hindi nakapagsalita. Matiim na tinitigan niya si Leo habang inaanalisa ang ipinagtapat nito. Pagkatapos ay matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Pakiramdam niya ay pati ang nga buhok niya ay sumasayaw sa saya.
"Anong sabi mo? Paki-ulit nga."
"Mahal kita. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Hindi ako masaya kapag nakikita kong malungkot ka. I want to make you happy. I want to see you smile everyday."
"Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong pa rin ng dalaga.
"Oo. Mahal kita. Simula ng gabing iyon na dinamayan mo 'ko at nakinig ka sa mga sama ng loob ko." Hinawakan ni Leo ang dalawang kamay niya at iniangat. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila. "Kung hindi ka pa handa maghihintay ako."
Tumaas ang isang kilay ni Ivy. "Anong hindi pa handa ang sinasabi mo diyan?" aniya na nakangiti pagkatapos ay tumingkayad upang sakupin ang mga labi ng binata. Hindi pa sana niya bibitawan ang binata kung hindi lang ito nagsalita sa pagitan ng paghalik niya. "Sweetheart, 'yong niluluto ko baka masunog."
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...