21

86 1 0
                                    

THIS CHAPTER IS EDITED.

NAIIRITANG pinatay ni Ivy ang cellphone. Linggo kaya day off niya. Sinusulit niya ang pagkakataon upang matulog lamang ay naunsyami iyon dahil sa walang katapusang pagtunog ng kanyang phone. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili bago sapilitang inabot ang phone sa gilid ng kama. Unknown ang number kaya nanumbalik ang inis na nararamdaman niya. "Hello. Sino ba 'to?!"
"Hello!"  Lalong kumukulo ang dugo niya dahil walang sumasagot. "Sino ka ba at tawag ka ng tawag? Hindi mo ba nage-gets na kaya walang sumasagot sa 'yo kung sino ka man ay dahil pwedeng busy ako o kaya ay tulog?"
"Good morning, tart."
"There's nothing good in the morning especially when my sleep is disturbed! Bakit ka tumatawag? Ang aga-aga. Saan mo kinuha ang number ko?"
Tumikhim si Leo mula sa kabilang linya. "Pakibuksan ang pinto. Nandito ako sa labas naghihintay."
"Anong pagbubuksan? Matutulog pa 'ko. Istorbo ka."
"Ipagluluto kita."
Kumislap ang mga mata ni Ivy. "Ano'ng sabi mo?"
"Namalengke ako. Diyan na ako magluluto para sabay na tayo kumain ng agahan."
Napangiti si Ivy ngunit agad na napawi dahil sa sumunod na sinabi ni Leo.
"Para makatipid ako ng gasul."
Ah, ganon. Akala ko pa naman para i-please ako. Mabilis na uminit ang ulo niya kaya agad niyang pinatay ang tawag.
Ilang sandali pa ay muli na namang tumunog iyon.
"Ano na naman?" Malakas ang tinig na pambungad ni Ivy ng muling sagutin ang tawag ni Leo.
"Relax. Nagbibiro lang ako kanina. Buksan mo na ang pinto, please?"
"Bakit?" Masungit na tanong niya.
"Ipagluluto nga kita. Ang kulit mo rin."
"Ayusin mo ang pagluluto, ha. Baka hindi masarap 'yan."
"Ako? Ako pa ba ang pinagsasabihan mo ng ganyan? Hindi mo ba alam na ako ang tagapagluto sa bahay namin? Makikita mo, isang tikim mo pa lang, ma-i-inlove ka na sa akin. Makakalimutan mo lahat ng naging boyfriend mo at tanging ako lang ang maalala mo."
Tumaas ang kilay ni Ivy. "Weh? Nuknukan ka talga ng yabang at bilib sa sarili."
Malakas na tumawa ang lalaki. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakapag-ayos ng bahay si Ivy samantalang nakaluto ng pusit si Leo. Mabilis na nakapagluto ang binata kaya natakam si Ivy dahil sa mabangong samyo ng niluluto nito.
"Come here,  sweetheart. Let's eat."

"ANO? Masarap?" Sabik na sabik si Leo na malaman ang judgement ni Ivy. Magkaharap sila sa mesa.
Tumango si Ivy habang ninanamnam ang kinakain. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ni Leo.  "Sasagutin mo na ba ako niyan, Ive? "
Nagsalubong ang mga kilay ni Ivy at tumigil SA pagnguya. Buti na lang at hindi siya nabilaukan dahil sa biglang sinabi ni Leo. "Anong sinasabi mo? Nanliligaw ka ba para sagutin kita?"
"Kailangan ko pa bang manligaw samantalang dalawang beses na kitang hinalikan?" Tinutukso na naman siya ng magaling na lalaki dahil nakangiti ito bago muling sumubo ng pagkain.
Pinadilatan niya ang lalaki. "Kung aasarin mo lang pala ako kaya ka nag-insist na magluto, sana hindi mo na lang ginawa. Nakakainis ka na, ha." Tumayo siya para makaiwas sa topic na ayaw na ayaw niyang pag-usapan. Kumuha siya ng tasa niya para magtimpla ng kape.
"Hati na tayo sa kape mo," wika ni Leo.
Hinahalo niya ang kape, asukal at creamer at nagsalita. "Pag galing sa akin, nakakamatay. May lason," medyo naaasar na tugon ni Ivy.
"Okay lang sa 'kin. Patay na patay naman ako sa 'yo, eh."
Tuluyang napangiti si Ivy na naging halakhak dahil sa narinig na sagot ni Leo. Binalingan niya si Leo na may malaking ngiti sa mga labi. "Ang landi mo talaga kahit kailan, Leo." Bumalik siya sa upuan para ipagpatuloy ang pagkain.
"Hindi kita nilalandi. Nagsasabi ako ng totoo."
"Sus, maniwala sa 'yo. Sige na nga. Sa susunod ako naman ang magluluto. Ipagluluto kita ng okoy na kalabasa para lalo pang luminaw ang mga mata mo," natatawang pahayag ni Ivy.
Humalakhak si Leo. "Okay. Aasahan ko 'yan. Kailan mo naman ako ipagluluto?"
"Kapag marunong na akong gumawa ng okoy na kalabasa." Tumayo na si Ivy para iligpit ang mga pinagkainan nila. "Tapos ka na?"
Tumango si Leo bilang sagot. Kinuha niya ang mga pinagkainan nila at inilagay sa lababo at nagsimulang hugasan ang mga iyon. Si Leo ay nanatiling nakaupo sa dining table niya. Pakiramdam ni Ivy ay pinapanood siya ni Leo sa paghuhugas ng pinggan kaya nilingon niya ito. "Kung gusto mong manood muna ng TV, buksan mo na lang. Nandoon naman 'yong remote."
"Okay lang. Hintayin na kita."
"May nakahalik na ba sa 'yo maliban sa akin?"
Napatigil sa pagsasabon ng pinggan si Ivy at matapang na hinarap si Leo. "Bakit pa patuloy mong isinisingit sa usapan natin ang halik na 'yon? Lasing ako noon kaya hindi ko alam ang ginagawa ko."
"Relax. Gusto ko lang malaman."
"Bakit ko sasabihin sa 'yo? Friends ba tayo?" Nakamatang tanong niya.
"Pinagluto na nga kita. Sinamahan mo na 'ko sa engagement party ng kaibigan ko. Hindi pa ba tayo magkaibigan?"
Hindi sumagot si Ivy at ipinagpatuloy lang ANG ginagawa.
"So meron?"
Natapos na niya ang paghuhugas kaya nilapitan niya ang lalaki. "Bakit gusto mong malaman?"
"Dahil gusto kong malaman."
"You know, you don't need to know," pahayag ni Ivy. "Anong balak mo ngayon? Dito ka pa manananghalian?" Tumayo na siya at tinungo ang telebisyon.
Nakita pa ni Ivy na ngumiti si Leo bago sumunod sa kanya. "Pwede."
Nilingon niya ang binata habang naglalakad. "Umuwi ka na kaya. Baka may kung sino na makakita na nandito ka sa bahay ko, iba pa ang isipin. "
"Dito na muna ako sa bahay mo." Agad na naupo ito sa harap ng telebisyon. "Gusto mo bang kantahin kita?"
"Marunong ka?"
"Yep." Mabilis na tumayo si Leo. "Kukunin ko lang 'yong gitara ko. Wait me here, sweetheart."
"Sige."

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon