The breakfast chapter has been edited. May idinagdag po ako. Pakibasa sa may gusto. :)
Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Denisse. Tinitimbang at iniisip niyang mabuti ang kanyang sasabihin. "Hindi ko alam na ganito ang nangyayari sa kompanya habang nasa Amerika ako, papa."
"Sinadya kong hindi ipaalam sa 'yo upang hindi ka mag-alala. Ayaw kong maapektuhan ng problema sa kompanya ang pag-aaral mo."
Nanatiling nakamasid si Denisse sa ama. "Ito ba ang dahilan kaya dito ko na ipagpapatuloy ang studies ko?"
"Wala ng dahilan para mag-aral ka pa roon. Habang maaga pa ay kailangang mong matutuhan ang pagpapatakbo ng ating kompanya. As you can observe, we cannot trust everyone. Anyone in the company can have ulterior motives or can be a potential spy. Hindi natin alam kaya dapat tayong manigurado. I'll send you to the best schools here in our country. Babalik ka sa US para kunin ang mga kakailanganing mong papeles sa paglipat."
Kinapa ni Denisse ang dibdib at may naramdaman siyang kasiyahan. This is what she's been dreaming of -ang makabalik sa Pilipinas at dito maipagpatuloy ang pangarap. Malungkot ang magisa sa isang dayuhang bansa."From time to time ay kailangan mong bisitahin ang industriya ng paggawa ng gamot. Bilang kaisa-isang anak ay na sa 'yo nakaatang ang tungkulin. Huwag mong hayaang bumagsak ang kompanya."
"Paano ko pagsasabayin ang pag-aaral at pagpapatakbo ng kumpanya, papa?" Nababahalang sabi niya.
"Lahat ng bagay ang may paraan, anak. Huwag kang mag-alala sapagkat narito ako upang alalayan ka."
"Mahal mo pa ba ang anak ng mag-asawang Sarni?"
Ikinabigla niya ang pagtatanong na kanyang ama patungkol kay Leo. Hindi pa man siya sumasagot ay muli ng nagsalita ang kanyang ama. "You have to win him back. Pumayag ang mag-asawa na mag-invest sa ating kompanya sa kondisyong magpapakasal ka sa anak nila. Do you still love him?"
Yumuko siya. "Yes, papa. Mahal ko si Leo."
Nagliwanag ang mukha ng kanyang ama dahi sa narinig. "Kung gayon ay wala tayong magiging problema. Kailangan mong paibigin muli ang anak nila. Para sa 'yo at para sa kompanya."
Pagkatapos nilang makapag-usap ng ama ay nakaplano na si Denisse na magliwaliw muna para libangin ang sarili. Paalis na siya ng bahay at patungo sa SM North. Kailangan niyang bumili ng mga damit, sapatos, make up, at iba oang accessories. Sa sobrang busy niya sa Amerika ay hindi siya nagkaroon ng panahong makapagliwaliw at makapag-shopping na siyang lagi niyang ginagawa noong bago siya nagtungo sa ibang bansa para patuloy na magtuklas ng kaalaman.
Makalipas ang mahigit isang oras na pakikipagkumpetensiya sa trapik ay nakarating na siya ng SM. Biglang kumalam ang kanyang sikmura kaya bumili muna siya ng makakain.Sa gilid ng kanyang mga mata ay may nakita siyang isang lalaki na may kasamang babae na magkasamang namimili ng sapatos. Kumunot ang noo niya. Kabisado niya ang bultong iyon kaya hindi siya maaaring magkamali. Si Leo ang nakita niya! Inilipat niya ang tingin sa kasama nitong babae. Hindi niya kilala ang kasama nito. Girlfriend ba nito ang kasama? Bakit hindi nasabi sa kanya ng ama na may girlfriend na pala ito? Patuloy niyang pinagmamasdan ang dalawa. Well, the girl is prety but she is prettier.
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...