20

98 1 1
                                    

Niyakag siya ni Leo paalis ng department store na magkahawak-kamay. Para na silang magkasintahan. Sana nga ligawan siya ni Leo. Kung ganitong laging may libre ay sasagutin niya ito agad-agad. Nakangiti siya ng nagtungo sila sa food court para magmeryenda.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Ivy habang kumakain sila ng pansit palabok.
"Alam mo bang may gusto akong gawin ngayon?"
"Teka, parang narinig ko na 'yan noon ah. Sinabi mo 'yan noong--" Nabitin sa ere ang sasabihin niya dahil nanumbalik sa isip niya ang eksena noong malasing siya.
"Kailan ko sinabi?" Malaki ang ngiting tanong ni Leo.
"Wala. Huwag mo ng isipin 'yon." Tiningnan niya si Leo at nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito. "Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan," saway ni Ivy.
"Bakit? Masama na ba ang ngumiti ngayon?"
"Oo."
The young man smiled again, showing perfect set of pearly white teeth. "Thanks for coming with me," sinserong sabi ni Leo.
"Sus, wala 'yon. Salamat din sa'yo. Salamat dito sa foods at doon sa bigay mong sneakers."
"You're welcome, Ivy, sweetheart."
Nasasanay na yata si Ivy na tinatawag na sweetheart. Masarap sa pandinig niya ang pagbigkas nito sa pangalan niya at sa pagsabi nito ng endearment. Nagkakagusto na yata talaga siya sa binatang kapitbahay niya. Hiling niya lang, sana, their feelings are mutual.

KINUHA ni Leo ang susi sa kanya at ito ang nagbukas ng pinto ng bahay niya.
"Thanks for today. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako," wika ni Leo ay iniabot sa kanya ang susi niya.
"Kanina ka pa nagti-thank you ah."
"Ngayon lang kasi may pumayag na makipag-date sa akin kaya salamat ng marami."
"Hay naku, Leo, tigilan mo 'ko. Huwag mo akong bolahin." Niluwagan ni Ivy ang pagkakabukas ng pinto at pumasok sa loob. Minataan niya ang binata. "Bakit nakatayo ka pa riyan?"
"Hindi mo ba ako papapasukin?"
Umangat ang kilay niya. "Magkasama na nga tayo kanina. Umuwi ka na."
Hindi kumilos paalis ang binata.
"Uwi na," ulit niya. Itinulak niya ang lalaki bago bumalik sa loob ng bahay.
"Good night, sweetheart," nakangiting wika ni Leo. Hindi ito umalis sa kinatatayuan na ipinagtataka ni Ivy. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa labas. Pangiti-ngiti ito ng alanganin at ilang beses ng tumitig sa kanya na kinakagat ang ibabang labi.
Tumikhim si Ivy. "Teka lang, ha? Parang nage-gets na kita."
Ngumiti ng malaki si Leo at sabay na tumaas ang dalawang kilay bilang pagsang-ayon. Kumurap-kurap si Ivy habang patuloy na tinititigan ang kaharap. Wari nag-uusap ang kanilang mga mata.
Kung gusto mo akong halikan, hindi ako tatanggi. Pero magmumukha akong atat at sabik na sabik kung 'yon ang sasabihin ko. Aha! I will say it indirectly na lang. "Kung gusto mong halikan kita, bayaran mo 'ko." Sinalubong niya ang mga mata ng binata.
"Bayaran?" kunot noong tanong nito.
Ivy smiled mischievously when she read Leo's facial expression. "Yes." Inilahad niya ang palad. "One thousand pesos."
"Ano?" namimilog ang mga mata na tanong ng binata.
"Aba eh, kung wala naman akong mapapakinabangan sa'yo eh di huwag na lang. Mahirap na po ang buhay ngayon."
Binigyan siya nito ng nawiwindang na sulyap. "Sigurado ka? Babayaran talaga kita?"
"Yes!" She screamed in an imapatient tone. "Magpasalamat ka nga dahil magpapabayad pa ako sa'yo. Hindi lahat inaalukan ko." Ngumisi siya. Syempre, joke lang iyon.
"Bakit noon? Hinalikan kita, wala ka namang angal?" Ngumisi ang loko ng makitang natigilan siya.
At talagang ipinaalala pa. Lihim niyang ipinapanalangin na sana hindi siya nag-blush. Tinitigan niya si Leo na nakangiti pa rin. Inayos niya ang sarili. She chinned up to regain her poise. "Iba noon. I was out of my mind that time. So? Take it or leave it."
"Ang mahal naman," nakangisi nitong sabi. "Five hundred na lang."
"Ano ako? Cheap?" Nangingiti niyang sabi. "Hindi ito palengke para makipagtawaran ka sa akin."
Akala ng dalaga ay hindi nito papatusin ang alok niya. Lumaki ang mga mata niya ng makitang may dinukot itong kusot na isang libong piso sa bulsa ng short nito. Iniaabot nito sa kanya. "O, ito."
Ilang sandali rin niyang tinitigan ang perang nasa kamay nito. Hindi siya makapaniwalang tatanggapin nito ang alok niya.
"O, eh bakit nakatunganga ka diyan? Bakit hindi mo tanggapin?" Untag nito.
Talagang sinusubukan siya nito. Mabilis na kinuha niya ang pera sa kamay nito. Nakita niyang ngumiti ang lalaki. Linapitan niya ito.
"Nag-toothbrush ka ba?" Tanong nito na malapit na malapit na sa mukha niya.
Napahiya siya sa tanong ni Leo. Ngunit sandali lang ang pagpahiya niya. Kumislap ang mga mata niya ng may maalala siyang sasabihin. Tutal nasa kanya na ang pera ay hindi na nito iyon mababawi sa kanya. Nasa kanya ang alas. Napaghagikgik siya sa naisip. Kinapa niya ang bulsa niya at maayos na isinuksuk doon ang pera. Baka maging bato pa. May dinukot siya sa pantalon. Napakunot-noo ito ng marinig ang ingay na nagmumula sa bulsa ng pantalon niya. "Ito oh yung balat ng candy ko. Hindi ako nag-toothbrush kaninang umalis ako ng bahay. Kaya nag-candy na lang ako. V fresh. Ayos di ba?" Nginisihan niya ito.
Malakas na napahalakhak ang binata sa sinabi niya. "Ang dami mo pang sinasabi. Gawin mo na."
"Hindi ako nag-tooth--"
"Bakit mo ko hinalikan!" Angil niya.
"Kasi ang dami mong sinasabi. Alam ko namang nag-toothbrush ka. Nakita kaya kita sa bahay niyo kanina. Binibiro lang kita para kahit kaunti, mahiya ka naman. Pero walang hiya ka pa rin talaga."
"Ano? Ikaw ang walang modo. Bakit ka nagnanakaw ng halik!"

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon