Walang balak si Ivy na sumali sa anumang parlor games ngunit ilang beses siyang kinalabit ng binatang katabi niya. Nakangiting tumingin si Madison sa direksyon niya kaya kahit ayaw niya ay napilitan siyang tumayo.
"Music maestro."
"Ladies, please come in front. We need ten beautiful single ladies. Kahit taken okay lang."
The crowd laughed and started to clap their hands as ladies walk in the stage. Nanatiling nakatayo si Ivy. Hinihintay niyang mapunan ang limang pwesto sa harap para nakaupo na siya. Bahagya siyang nagulat ng makarinig ng tinig mula sa likuran. Pareho silang napalingon ni Leo. Hindi napansin ni Ivy na nakababa na pala si Madison at si Javen na lamang ang nasa harap. "Sali ka sa parlor games, Ivy. Kulang pa ang kalahok," masuyong sabi ni Madison.
Ngiti ang naging sagot ni Ivy. Lumingon siya sa harap. "Eh kumpleto na yung lima."
"Sige na. Para masaya. Okay lang kahit sumombra."
Napatingin si Ivy kay Leo bago muling tiningnan si Madison. "Ano ba ang laro?" tanong niya.
Bahagyang ngumiti si Madison. "Basta. Malalaman mo mamaya. Halika na."
Walang nagawa si Ivy kundi ang magpatianod. Hinawakan ni Madison ang kamay niya at niyakag siya patungong entablado."MAGANDA ang kasama mo, brod ah. Nililigawan mo?" Tanong ni Andrei. Si Andrei ay kaibigan niya at kababata. Kaibigan rin nito si Javen kaya invited ito sa kasiyahan.
"Hindi," sagot ni Leo na hindi inaalis ang tingin kay Ivy. Matamang pinagmamasdan niya ang dalaga na masayang kausap si Madison sa entablado. Hindi niya maiwasang mangiti habang nakamasid dito. Bagay na bagay ni Ivy ang style ng buhok at ang manipis na make up na nagpalitaw ng kagandahan nito. Aaminin niyang lalong gumanda si Ivy noong nakita niya itong nakabestida at nakangiti na hindi nito kadalasang ginagawa. She looks beautiful in the blue dress she's wearing right now. She looks like a fairy even more when Madison put a floral crown on her head. Naging evident ang magandang hubog ng katawan ng dalagang kapitbahay niya. Sa tingin pa nga niya ay napilitan lang itong magsuot ng bestida para sa okasyon. Ano kaya kung ligawan niya?
"Hindi pa man nagsisimula ang laro ay may regalo na kami sa mga maglalaro," masayang wika ni Madison sa mikropono.
"You keep on smiling while staring at her, Leo. Aminin mo na kasi, may gusto ka sa kanya, ano?" Pukaw ni Andrei sa kanya.
Bahagyang natigilan si Leo. Binalingan niya si Andrei. "Ha?"
"Ano'ng pangalan niya?" May ngiti sa labi na tanong ni Andrei. Sinundan ni Andrei ng tingin ang pinagmamasdan niya.
Hindi nagustuhan ni Leo ang paraan ng pagtatanong ni Andrei. Sa tono ng kaibigan niya ay parang may gusto itong iparating. There is something in his eyes. Knowing Andrei since childhood, alam niya ang likaw ng bituka ng kaibigan. "Bakit mo tinatanong?" Nakamatang tanong niya. He suddenly felt being possessive.
"Wala lang. Kung hindi mo siya type, akin na lang," sagot nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "She's my date, dude. Maghanap ka ng sa'yo."
Tumawa si Andrei ng marinig ang sagot niya. "May gusto ka nga sa kanya."
Magsasalita pa sana si Leo ng biglang magsalita si Javen mula sa entablado. "We need ten gentlemen. Dapat yung mga single din ha?"
Mabilis siyang tumayo upang sumali sa parlor games. Nahuhulaan na niyang by pairs kaya mabilis siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Ivy. Siya lang ang dapat na kausap, kaparis at ka-date nito. Wala ng iba. Mahirap na. Baka agawan pa siya ni Andrei.
"Hey, man! Hintayin mo 'ko. Sasali rin ako," ani Andrei.
![](https://img.wattpad.com/cover/151551425-288-k5228.jpg)
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...