Napadako ang mga mata niya kay Leo na seryosong nakatitig sa kanya. Lumapit ito ng husto sa kanya kaya hindi niya napigil na haplusin ang bridge ng ilong nito saka ngumiti. Pogi ka naman eh. Maganda ang mga mata mo. Kung hahalikan mo ako ngayon ay hindi ako tatanggi. Pakiramdam niya ay unti-unting lumalapit ang mukha ni Leo sa kanya. Mabilis na naitakip niya ang kamay sa bibig. "Wait."
Halatang nabigla si Leo sa ginawa niyang pagtatakip ng bibig. "What's wrong?" Mahinahong tanong nito.
"Before anything else, I need to see the inside of your mouth."
Natawa si Leo. "Oh. No problem." Leo obediently opened his mouth. Ivy checked the inside of his mouth. The guy has a healthy mouth. No tartars, no cavities. Clean and white. Nang muli niyang balingan ito ay nakita niyang nakangiti pati ang mga mata ng binata. Hindi pa siya nakuntento. "Paamoy."
Alam ni Ivy na pinipigil lang ng binata ang pagtawanan siya. Kitang-kita niya ang amusement sa mga mata nito. Gayunman, masunurin itong nagbuga ng hangin.
Hmmm. His breath is cool and fresh. Pinaghalong mint at fluoride ang naamoy niya. Iminulat niya ang mga mata at sinalubong ang nakangiting mga mata ni Leo. Tiningala niya ito. "Okay. Mabango."
Tuluyan ng humalakhak ang binata. She smiled and flipped her hair. "Let's do it. I'm ready."
Mabilis na kinabig siya ng lalaki at isang nakakabighaning halik ang pinagsaluhan nila. Muli niyang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang halik. That's her first kiss!
Makalipas ang ilang saglit ay binitaw si Leo. Nakaramdam ng panghihinayang si Ivy. Nabitin siya. "So? Five out of five na ba ang rating ko sa'yo?" Nakangising tanong nito.
"Hindi pa," mabilis na sagot ng dalaga.
"Bakit hindi?"
"Kung hahalikan mo ako uli ay---"
Nabitin sa ere ang sasabihin ni Ivy dahil muli siyang kinabig ni Leo at binigyan ng nakaka-adik na halik.
NAPIPILITANG bumangon si Ivy. Gusto pa sana niyang matulog pero may trabahong naghihintay sa kanya. Ang hirap talaga ang gumising sa umaga. Bawal ang mahuli dahil nakakahiya sa tita ng kaibigan niyang si Marie. Naka-ilang snooze rin ang alarm ng phone niya bago niya napagpasyahang bumangon. Nasapo niya ang noo ng makaramdam ng pagkahilo. Marami ba siyang nainom kagabi? Bakit masyadong masakit ang ulo niya? Mabilis siyang nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Matapos makapagtimpla ay sa labas siya nagmumuni-muni upang makalanghap ng hangin habang pinipilit gisingin ang sarili. Napatigil siya sa paghakbang palabas ng makarinig siya sa may gripo na may nag-iigib ng tubig. Oh my. Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Wala sa loob na hinawakan niya ang mga labi. Malinaw sa isip niya na hinalikan siya ni Leo kagabi. Naalala pa niya ang sinabi nito.
Kapag hahalikan ba kita, magiging five ang ratings mo sa akin?
Natampal ni Ivy ang sariling noo. Ano bang pinaggagawa niya kagabi? The kiss! Oh my god! Napasimangot siya ng maalala na humirit pa siya ng take two. Napadako ang tingin niya sa mesa at dalawang silya sa labas ng bahay niya. Maayos ang lahat. Wala siyang nakita ni isang bagay na magpapaalala ng ginawa nilang pag-inom kagabi. Nasaan ang mga ginamit nilang baso, bote ng alak at mga chichiria? Sa pagkakaalam niya ay hindi iyon naubos. At paano siya napunta sa kama niya? Wala siyang maalala na pinilit niyang ibangon ang sarili upang matulog at magkandado ng silid. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita niya ang gripo. Bigla niyang pinagsisihan ang paglingon dahil nakita niya si Leo na nakangitng bumati sa kanya. Hindi niya alam kung gagantihan ang pagngiti ng binata o magkunwaring hindi niya ito nakita. Pinili niya ang huli. Hawak ang kape sa kamay na ibinalik ang tingin sa silya at naupo roon. Iniwasan niyang muling tumingin sa gripo. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Sa susunod ay hindi na siya iinom.
BINABASA MO ANG
Not Just A Kiss
RomanceInis si Ivy sa kapitbahay niyang si Leo na nuknukan ng yabang at bilib sa sarili. Ngunit isang gabi ay hinayaan niyang may mamagitan sa kanila. Nakakahiya! May mukha pa ba siyang ihaharap kay Leo na wala ng ibang ginawa tuwing magkikita sila kundi a...