'The world is so unpredictable. Things happened suddenly, unexpectedly.'
💜 Samantha's P.O.V💜Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw ng levelling sana makapasa ako ginawa ko lahat para ma control ang kapangyarihan ko. Tinuruan ako ni Nerissa kung pano gamitin ang kapangyarihan ko ng tama kaya nga nagtataka ako kung bakit nasa Assfar siya samantalang ang galing niyang magturo everytime na tatanongin ko siya kung ano ang kapangyarihan niya lagi lang siyang nakangiti sakin weird right?
Thanks also to Kathleen, Kate and Katherine tinuruan din nila ako kasama nga noong lima. Pati si Nerissa naki training din sakin kaya sabay-sabay kaming nag tra-traning and I must say naging close ko narin ang boys Royalties except kay Blake at Kurt parang lagi silang wala sa mood.
Nga pala nalaman ko rin na Hangin (🍃) ang kapangyarihan ni Kate, Tubig (🌊) kay Kathleen same kami ganoon rin kay Kaizen na kambal niya samantalang Nature (🍂) ang kay Katherine at Jake kina Kurt at Klien naman Apoy (🔥) at Ice (❄️) naman ang kay Blake match na match ng ugali niya, ang cold.
Speaking of Mr. COLD GUY iyan tawag ko sa kanya pero sa isip lang yan ah! Ang sama ng ugali tama bang banggain ako hindi manlang nag sorry. Tsk!
"Anong problema non?" Nagtataka ko namang tanong kay Jake.
"Mainit ang ulo." Sagot niya habang natatawa sabay deretso ng field may nakakatawa?
Psh!
"Umiinit din pala ang ulo non, palamigin niya kaya kapangyarihan niya 'yon eh!" Parang tanga kong bulong sa sarili ko.
"What did you say?"
Bigla naman akong napalingon. Patay!
"B-Blake i-ikaw pala! " Ngumiti ako at pilit na tumawa. Walang'ya bakit siya nandito narinig niya ba?
Kate! Kathleen! Katherine! Girls where are you?
He frown and raised his eyebrow.
"I just want to say sorry pero mukhang okay ka naman. Am I right? "He said sarcastically.
I'm doomed.
Iniwas ko nalang ang tingin ko.
Hindi ko naman sinasadya eh.
Nakita ko naman si Jake at Klien na naglalagot sign. I frown. Mapang asar din minsan si Klien pero minsan naman ang seryoso. Buti wala si Kaizen grabe din yun pag tinupak match na match sila ni Jake. Psh!
Sinamaan ko nalang sila ng tingin tumawa lang ang dalawang loko-loko.
Mga walang hiya!
"Sorry!" Naka yuko kung sabi.
"Tsk!"
Umalis na lang siya bigla.
Siya kaya yung bumangga sakin ako pa ang nagsorry?
"Ikaw kasi Sam!"
"Lagot ka!"
Really?! Nag walk out nalang ako sa harap ng dalawang baliw.
Buti wala dito si Kate mas nalala pa iyon sa dalawang to.
Ewan ko ba sa kanya bakit ako ang laging mina match kay Blake nakisali pa ang iba. Tubig at ice? Hindi pwede matutunaw lang ang ice paghinalo mo sila, ano yun ICE WATER? Gosh!
****
Kasalukuyan na kaming nandito sa field naka upo kami sa bench kasama ko ang Royalties pati si Nerissa sa kaliwa kaming mga Assfar sa kanan ang Salvent at sa gitna ang mga Lycine pero naki-upo sina Kate samin kaya ayan bulong-bulongan na naman ang mga studyante.
YOU ARE READING
The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom
FantasyKambal sila Pero hindi magkasama Parehong lugar pero hindi nagkikita Pareho ang Ama at Ina Pero hindi magkakilala. •She's BEAUTIFUL √ •She's NERD √ •She's FRIENDLY √ •She's LONELY √ •Everybody's LOVE her √ •Everyone's HATE her √ •She's COMPLETE √ •S...