Chapter 5: A Whisper

3.6K 95 1
                                    


'Sometimes a stranger is the family that you haven't meet yet or the other way around.'

💙Hannah's P.O.V💙

Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon.

Iyong anino at ang sulat sa libro ko na bigla nalang nabura namamalik-mata lang ba ako sa nakita ko at kung totoo man iyon sino iyong tinutukoy niya? At bakit may pa ganon? Prank ba yon? Arrggg! Haysst! Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko na hindi ko mahananapan ng sagot. Nakakabaliw.

'Relax, Hannah! Inhale, Exhale."

"Baby, kakain na!" Tawag sakin ni Mama kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Bababa na po ako!" Lumabas naman na ako sa loob ng kuwarto at pumuntang kusina.

"Ma, matanong lang po kita naniniwala po ba kayo na merong mahika?" Tanong ko naman kay Mama.

Natigilan naman si Mama at nagtatakang pinagmasdan ako.

"Bakit mo naman natanong anak mayroon ka nabanang nakitang tao na mayroong mahika? May nangyari ba sa iyo?" Hindi ko alam kong bakit natanong ko iyon kay Mama bigla nalang kasing pumasok sa isipan ko eh.

"Wala lang po na isip ko lang, sige Ma kain na po tayo baka lumamig pa po ang pagkain." Yaya ko kay Mama na sandaling natahimik at pinagmamasdan ako. Ningitian ko naman siya.

"Kung ano-ano nalang ang naiisip mo Hannah Vannity, tayo'y kumain na."

*

*

*

*

*

*

*

*

Andito ako ngayon sa Mall bibili kasi ako ng aklat naubos ko na kasing basahin lahat ng pinabili ko kay Mama at isa pa nabo-bored nadin ako sa bahay wala rin naman akong magawa kaya mas mabuting lumabas narin ako sa bahay at mamasyal. Minsan lang akong lumabas kaya susulitin ko na habang nasa kasipagan pa.

'Saan kaya ako bibili ng mga aklat na babasahin ko? aha! Alam ko na sa Blossom Ryllis book store kaya? Mapuntahan nga.'

Pero kung minamalas ka nga naman.

"Aray!" Daing ko paano ba naman merong isang pader na nakaharang sa daan, pero sandali lang paano nagkaroon ng pader sa daan?!

Naguguluhan akong napaisip habang hinihimas ang noo ko.

'Ang sakit!'

"Sorry miss!" Bumalik naman ako sa katinuan dahil sa nagsalita sa harapan ko.

Napaangat naman ako ng tingin at isang lalaki ang nakita ko na nakatayo sa harapan ko meron siyang maputing balat matangos na ilong mahahabang pilik mata at mapupulang labi I can say his perfect.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Where stories live. Discover now