011

1.2K 55 1
                                    

◦°•✧ flashback•°◦

PRISTINE

"Pristine yung sundo mo, nandito na!" rinig kong sigaw ni Serenity sa baba. I looked at the mirror again to check myself. Nang masatisfy ako, bumaba na agad ako.

"Tagal talaga mag ayos neto. Magpapaganda pa!" pang aasar ni Hiraeth.

"Hindi naman niya kailangan magpaganda, Rae. Mas gusto ko nga 'yon eh, para ako lang magkagusto dyan." sabi naman ni Trouble kaya yung apat, pinagbabato siya ng mga scratch ni Euphoric sa pagddrawing.

"Agahan mo uwi, gaga! Sasaraduhan na talaga kita ng pinto."

• ✧ ° • ✦ ° • ✧

"Gising na, dito na tayo.." sabi niya. Tumingin ako sa paligid at parang familiar 'to.

"Where are we?" I asked while scanning the place. Nang marealize ko kung nasaan kami, pinagpapalo ko agad siya.

"Gago, bakit tayo nasa bahay ng parents ko?!" sabi ko at nagpanic.

"Aw! Masakit— hoy Pristine tumigil ka nga!"

"Pristine if you wouldn't shut up I'll kiss you for real!"

Dahil sa sinabi niyang 'yon, agad akong tumigil. Takot ko lang 'no, duh!

"Siraulo! Bakit ba tayo nandito? Akala ko kakain lang tayo kung saan!"

"Huminahon ka nga! Syempre magpapaalam din ako sa magulang mo na manligaw, alangan maging tayo tapos wala silang ka-alam alam."

"Wow, did not expect you to do this.." sabi ko nang maprocess lahat ng sinabi niya.

"Kaya ayusin mo sarili mo. Gulo gulo ng buhok mo, isipin kung anong ginawa natin."

"Gago! Umuwi ka na nga!"

• ✧ ° • ✦ ° •

Kasalukuyan kaming kumakain ng early dinner. Pagkapasok pa lang namin, agad na dumerecho si Mommy kay Trouble. Pucha, siya pa yata yung anak kesa sakin?

Yun pala, nagpunta na dito si Trouble bago pa lang siya manligaw sakin. Nakaplano na talaga, hindi ko lang alam.

"Sabihin mo nga Trouble, paano mo natiis 'yang anak ko?" sabi ni Daddy.

"Daddy naman eh.." sabi ko at nagtawanan sila. Minsan naiisip ko na lang, ako ba talaga anak nila o si Trouble?

Natapos ang dinner na puro pang-aasar sa akin. Mas mahal nila si Trouble, langya legit daughter here?!

"Thank you po, Tito at Tita. Balik po kami ni Pristine kapag.."

"Oo alam ko na 'yon, ingat kayo sa byahe!" sabi ni Daddy. Wow, ako lang ba hindi nakakaalam kung ano yun?

"Bye, mommy, bye daddy! Balik din ako dito hehehe.."

"Kahit 'wag na, Tine," sabi ni mommy.

"Grabe talaga kayo sakin!" Tinawanan lang nila ako at niyakap din ako.

"Uy ano meron? Kelan ulit tayo babalik doon?" pagtatanong ko habang bumabyahe kami pauwi.

"Wala yun. Tulog ka na lang ulit." sagot niya. "Ano nga kasi 'yon?"

"Basta," sabi niya. Nagsimula na akong mainis sa kanya kaya hindi ko na siya pinansin. Leche, bahala siya.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon