073

1K 51 23
                                    

PRISTINE

"Trouble! Wait lang," sigaw ko nang nakitang pasakay na siya sa kotse niya. Tuloy tuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makasakay ako sa loob.

"Huy.. pansinin mo naman ako," sabi ko pero dinedma niya ako. Imbes na sumagot, pinaandar niya ang kotse niya.

Dumerecho kami sa bahay niya. Bago pa man ako makalabas binuksan na niya ang pinto para sa akin. Napangiti naman ako. Kahit galit, ganito pa rin siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" masungit na tanong niya. Ngumiti lang ako ulit at dumerecho sa CR para kunin 'yung panggamot sa sugat niya.

"'Lika, gamutin ko 'yang sugat mo." sabi ko. "Bakit hindi 'yung kay Train gamutin mo?"

"Gusto mo bang kanya 'yung gamutin ko?" tanong ko naman. Sige lang Trouble, hanggang kelan ka mag-iinarte?

Hindi siya sumagot kaya tumayo ako mula sa sofa. "Okay, madali naman akong—"

Before even taking one step, hinila na niya ako at sumakto naman sa hita niya ako napaupo.

"'Dyan kasi 'yung pwesto mo, hindi doon." sabi niya habang nakatingin sa akin. Piningot ko naman 'yung ilong niya at sinimulan na rin gamutin ang sugat niya.

"Pa-suntok suntok ka pa kasi, sana hindi mo na pinatulan." sermon ko. "Nung inaway nga ako ni Prielle, hindi ko naman sinabunutan diba?" dagdag ko.

"Tss.. ako naman 'yung nasaktan mo doon sa huling sinabi mo. Pero totoo 'yon, pwedeng hindi mo ako kawalan pero ikaw, kawalan kita."

Napatigil ako sa paglinis sa sugat niya at tinignan siya. Magsasalita sana ako kaya lang nagsalita ulit siya.

"Pero tangina, kung sakaling natuloy 'yung halik nung gunggong na 'yon sa'yo," sabi niya. "Hindi lang halik aabutin mo sa akin ngayon."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Baliw!" sabi ko. Tumawa siya at niyakap ako patalikod. Pinabitawan niya na rin ang hawak ko at nilapag sa gilid.

"Joke lang. Pero tandaan mo, sa akin lang 'yang mga labi na 'yan. Hindi 'yan pwedeng humalik sa iba. Sa akin ka lang, Pristine." He said while showering my shoulders with kisses.

"Sa'yo lang naman talaga ako, Trouble. Hindi mo na kailangan ipag-alala 'yon.." sagot ko. "Eh ikaw, sa akin ka rin ba? I shyly asked.

"From the day I laid my eyes on you, Pristine. Hindi mo pa man ako kilala at hindi pa nagiging tayo, iyong-iyo na ako." he said as he kissed me.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon