019

973 48 35
                                    

◦°•✧ flashback•°◦

Madelline Victoria
active now

Trouble Zack:
panget ano oras kita susunduin

Madelline Victoria:
gago ikaw panget

Madelline Victoria:
at ba't mo ko susunduin? may lakad
kayo ng gf mo ah?

Trouble Zack:
wala cinancel ko 'yon

Madelline Victoria:
aW iM tOuChEd

Madelline Victoria:
kinausap ka ni dad 'no? tangina

Trouble Zack:
oo talagang tangina

Madelline Victoria:
hay tanginang buhay

Madelline Victoria:
ge mga 3 sunduin mo na ko
dito sa studio

Madelline Victoria:
ingat sila sa'yo 😌

Trouble Zack:
pakyu ka talaga
seen

• ✧ ° • ✦ ° • ✧
PRISTINE

Nasa mall kami ni Serenity para mag bonding. Hindi naman kasi kami natuloy ni Trouble kaya ayun, nagpasama ang gaga.

Sa café kami tumambay tapos bigla nalang napatigil magsalita si Serenity.

"Tangina," bulong niya.

"Bakit?" sabi ko at akmang lilingon na sa likod. "'Wag ka lumingon!"

"Hala 'te anyare sa'yo? Ano bang meron?" sabi ko. Halos malukot na nga yung resibo na hawak niya sa sobrang higpit ng hawak niya.

"Umalis na tayo dito.."

Hinila niya ako pa-tayo at agad na lumabas doon sa café. Takang-taka naman ako sa inasal niya.

"Why? Anong meron doon?" sabi ko sa kanya.

"Pris.."

Nagtataka pa rin ako nakatingin sa kanya, pero kinabahan na rin ako sa hindi ko malaman na dahilan.

"Nakita ko si Trouble, may kasamang babae. Nakaakbay pa siya doon."

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon