055

917 49 5
                                    

PRISTINE

"Pris, can we talk?"

Lumapit sa akin si Maverick kasama si Madelline. Ilang buwan ko rin hindi nakita si Maverick, though si Madelline nakikita ko sa school syempre.

Tumango ako at tumayo. "Anong pag-uusapan?"

"First of all, sorry kasi nagpanggap akong hindi kilala si Trouble.. Totoo 'yung hindi ko alam anong nangyari sa inyo.."

"No, okay lang. Nagulat lang ako na magkakilala pala kayo," sabi ko.

"And.. bakit kayo magkasama ni Madelline? I thought that Trouble and you," referring to Madelline, "are together.."

"Fake news si Trouble. Hindi totoo 'yon," pagtanggi ni Madelline na may irap pa.

"I'm sorry kasi wala akong ginawa kahit alam kong nasasaktan ka. Hindi ko ma-kontra 'yung desisyon ni Trouble.."

"Okay lang, unti-unti ko naman nang natatanggap na hindi talaga kami."

"May aaminin nga rin pala ako sa'yo." pagsingit ni Maverick.

"Ano 'yon?" sabi ko.

"The main reason why napalapit ako sa'yo is because of Trouble. Ayaw niyang may aaligid sa'yo kaya inutusan niya akong makipagclose sa'yo since alam niyang si Madelline lang ang mahal ko."

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon