026

1K 59 15
                                    

PRISTINE

Kung dati hate ko lang pumasok sa school, ngayon sobrang hate ko na! Puta, bakit ko ba kasi sila kaklase? Balik sana yung old section last year!

"Uy, tulala ka na naman dyan. Wala kang balak tumayo? Tayo na lang tao dito."

Nakatulala lang pala ako buong mag damag kaya nagulat ako nung nagsalita si Paradise.

"Tara na, gutom na ako!" reklamo ni Hiraeth. "Gunggong, kailan ba hindi?"
balik na tanong ni Serenity.

"Mauna na kayo, sa may field lang ako." sabi ko kaya umalis na sila.

"'Wag kang iiyak, ha! Wala tayo sa bahay!" pang-asar na sabi ni Euphoric. Pinakyu ko lang siya at lumabas na rin.

Dumerecho ako sa tambayan namin ni Trouble dati, well I guess, tambayan ko na lang siguro? Nagugutom na ako pero tinatamad ako bumili kaya chinat ko nalang yung apat.

• ✧ ° • ✦ ° • ✧

Pristine Athena:
hOY DALHAN NIYO KO PAGKAIN YUNG FAVORITES KO DITO AKO SA FIELD SAMAHAN NIYO AKO

• ✧ ° • ✦ ° • ✧

Tinago ko lang ulit yung phone ko at hinintay na lang sila. After, 10 minutes, nagtataka na ako ba't ang tagal nila. Malapit lang naman canteen dito ah? Unless kung binili talaga nila lahat ng gusto ko.

I saw a figure of a man walking towards to my place. Namukhaan ko agad siya at agad na nainis. "Trouble?"

May dala dala siyang pagkain kaya natakam ako, tapos favorites ko pa! As in lahat!

"Dito ka ba tatambay? Aalis na lang ako." sabi ko at tumayo na.

"No, bibigay ko lang sa'yo 'to. Aalis din ako." sabi niya at binigay sakin yung mga pagkain.

"Inutusan ka ba nila Serenity? Jusko sabi ko sa kanila samahan ako dito eh. Salamat na lang."

"No, I guess you have wrong sent the message to me. Ako ang naka receive, hindi sila.." sabi niya at halos magpalamon na ako sa lupa dahil sa hiya.

"T-thank you, sorry sa abala.." sabi ko na lang.

"Okay lang. 'Wag ka rin magpapagutom. You can still ask me to buy you food." sabi niya at umalis na.

Nice, back to zero na naman ang progress ko sa pagmmove on.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon