040

1K 59 12
                                    

TROPANG BETLOG

Euphoric Astraea:
@

Pristine papunta na kamii,
may dala kaming food pang snacks
niyo ni tito ganun

Pristine Athena:
thank youuu!

Euphoric Astraea:
papasok ka ba bukas? kung oo
dalhan ka namin uniform, para kahit diyan ka na galing.

Pristine Athena:
hindi na, mamsh. aabsent ako hanggang sa maging okay na talaga
si mommy. salamat! :>

• ✧ ° • ✦ ° • ✧
PRISTINE

Habang hinihintay 'yung apat tumambay ako sa rooftop ng hospital. I just wanted to be alone for a while, and kahit papaano ma–ease 'yung dinadamdam ko.

Nakatayo ako malapit sa may edge, pero hindi naman ako nagbabalak magpakamatay. Heck, I didn't even think of doing it.

Suddenly, an arm grabbed my waist, pulling me downwards. Sa gulat ko hindi ako nakapagreact agad. Tangina, sino ba 'to?

"Miss, hindi solusyon ang pagpapakamatay! Pwede naman natin pag–usapan 'to, kahit pa hindi naman tayo magkakilala. 'Wag kang magpapatalo sa problema mo.." sabi ng lalaking ito.

"What the hell are you saying?! Hindi ako nagpapakamatay!" sabi ko while struggling to get away from him

"Weh?! Eh ba't nakatayo ka doon kanina?"

"Nagpapahangin lang ako! Hindi ko sasayangin ang buhay ko 'no. Thank you sa concern pero hindi naman ako magpapakamatay." sabi ko sa kanya at pinakawalan na rin ako.

"Ah, ganoon ba? Sorry. Nagpanic lang din ako nang makita ka na nandoon."

"Okay lang, 'yung mga kagaya mo 'yung dapat dumami sa mundo eh. Salamat!" sabi ko na lang.

"You flatter me too much. I'm Train, share ko lang." pagpapakilala niya.

"Wow, haha! I'm Pristine." sabi ko na lang sa kanya. Inaya niya akong bilhan ng coffee sa katapat na coffee shop ng hospital na 'to. Pagkatapos 'non ay hinatid niya ako sa room ni Mommy.

I got to know things about him, as well as him to me. Nalaman ko kung ba't siya nandito and I was so guilty.

"Again, Train. I'm really sorry. Hindi ko naman alam na ganoon pala ang nangyari.."

"No, hindi niyo kasalanan. Walang may gusto sa nangyari." sabi niya. Train's heart was so good that I felt the urge to hug him, so I did. I can feel that he's shocked but he hugged me back.

Kaya lang, bumukas ang pintuan ng kwarto ni Mommy. Napatingin sa amin ang mga nandoon, at nakita ko rin si Trouble sa loob.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon