EPHEMERAL NEWS
OCTOBER 05, 2018[TONIGHT]
SEE: FIRST LOOK OF QUEENS FOR TONIGHT'S PARTY.
Some released pictures of them preparing for the said party. The pairs were revealed a while ago too. But Trouble Morgan's partner was kept in a secret. Although we all thought that we will get a Trouble x Pristine pair tonight, Pristine Alcantara's partner was said to be Train Lorenzo, a student from EXO University.• ✧ ° • ✦ ° • ✧
PRISTINE1 hour from now magsstart na ang party. To be honest, ayaw ko talaga pumunta pero ang unfair kay Train. Mapapahiya siya kung wala siyang partner.
Sa bahay din ako ngayon, I mean sa mismong bahay ko. Lahat kami nasa sariling bahay, well except for Serenity. Kasama ko siya ngayon.
"'Lika, Serenity. Aayusan kita," sabi ni Mommy.
"Ayoko, Tita! Naka dress na nga ako oh. Okay na 'to." nakasimangot na sabi ni Serenity.
"Talaga naman Se! Isang gabi ka lang naman magmmake up!" sabi ko. Hinila siya ni Mommy kaya no choice na 'yan. Takot lang niya.
"Gusto ko pinakamagaganda ang mga anak ko mamaya," sabi ni Mommy. Nanlambot naman si Serenity.
Serenity has issues on her family. Best friends ang tatay niya at ang tatay ko kaya naging kaibigan ko siya. But shit happened, nasira ang family nila, at si Serenity ang pinakanaapektuhan doon. Umalis siya sa kanila at dito tumira before kami magsama-samang lima.
My parents treated her like their own daughter and I treated her as a sister. Kaya ayun, family na talaga ang tingin namin sa kanya.
"Sino bang partner niyo mamaya?" tanong ni Mommy habang inaayusan si Se.
"Si Train po, sakin. Susunduin niya daw po pala ako," sabi ko. Umismid naman si Serenity.
"Train ka pa dyan.." bulong niya.
"Ay, ba't hindi si Trouble?"
"'My naman, ikaw ba kaya mong makipagpartner sa ex mo?" sabi ko.
"Oo naman, naka move on na ako eh. Wala na sa akin 'yon.."
"Eh ang kaso Tita.. hindi pa nakakamove on ang magaling mong anak!" pang aasar ni Serenity.
"Siraulo, hindi kaya! Okay na ako 'no!" pagdedeny ko.
"Hindi masamang magpakatotoo anak. Kung alam mong siya pa rin, 'wag mo na i-deny."
"Eh Mommy, oo sige, siya pa rin. Pero ayaw ko na. Gusto ko na lang talaga makalimutan siya.."
"Puro ka ganyan, wala ka naman ginagawa para kalimutan siya," sabi ni Serenity. Aapila sana ako pero nagsalita ulit siya.
"Oh, 'wag mong i-deny 'yan. Marami kang pwedeng gawin para makamove on. Pwedeng i-block mo, iwasan mo talaga, o kung ano ano pa. Pero hindi mo ginawa. Lalo na nung lumapit lapit ulit siya sa'yo, hinayaan mo lang 'di ba?"
"Tapos nung nakaraan lang, pinalayo mo. Pero nasasaktan ka? Tuwing gabi umiiyak ka pa. Saang parte diyan ang gusto mo siyang kalimutan 'te?"
Natahimik ako sa sinabi ni Serenity. Narealize ko din na tama siya. Mygad Pristine, nu ginagawa mu?
"Naks, may alam si Serenity sa ganito. Pwede mo nang palitan si Charo!" pangbawi ko na lang. Tinawanan kami ni Mommy at binato ako ng unan si Serenity.
"Okay na, see you mamaya sa party ha! Maiwan ko na kayo," sabi ni Mommy.
"Pero seryoso, Pris. Kung sakaling bumalik si Trouble at alam mong sa sarili mo na siya pa rin, 'wag mong i-deny. Ikaw ang mahihirapan sa huli."
'Yun naman talaga ang gagawin ko, pero ang tanong, babalik ba siya?
~~~
snow:
♡ dapat may pics din bangtan pero tinamad ako e HAHAHAHAHA. tas naiba si joy kasi pOta ala ako mahanap na pic niya na same dun sa apat huhu
BINABASA MO ANG
PRISTINE | vrene
Historia Corta❝ when can i finally forget you? ❞ ↳ vrene ff ; epistolary & narration 𝘀𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀: completed 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 06.17.18 𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱: 09.25.18