048

975 52 3
                                    

PRISTINE

Hindi talaga natuloy ang dinner namin ni Train. Okay lang naman kasi nagka emergency din sa kanila.

"I hope all of you will be professional on this one, especially for the both of you, Pristine and Trouble," sabi ng pinaka Head sa project na 'to.

I answered yes and Trouble nodded his head. Totoo naman, I should be professional on this one. Work is work.

"May mag-aaya na naman ng shot mamaya.." pagpaparinig ni Hiraeth. "Hoy, Rae magtigil ka ha. Sumbong talaga kita kay Tita!" sabi ni Thorn.

"Sumbong din kita kay Tito, akala mo dyan maiisahan mo ako?"

"Start ng photoshoot niyo is the day after tomorrow. Weekends naman 'yon, at nagbigay na kami ng letter sa school niyo. Sige na, kumain na kayo sa baba.."

Halata na siguro sa aming lahat na gutom na kami. Naupo kami lahat and prayed before eating. Katabi ko si Serenity sa left ko tapos si Trouble nasa right ko. Paano, nag CR kasi siya kanina. Tapos plinano nang pagtabihin kami, amputa.

Malayo sa akin ang kanin kaya medyo nahirapan ako. Natahimik ang lahat nang lagyan ako ni Trouble ng kanin sa plato. Umismid naman 'tong katabi ko.

"Hay tangina ba't dito ba ako pumwesto?" wala sa sariling tanong ni Serenity.

"Tama na, okay na 'to.." pagpigil ko. "Eat, pumapayat ka." sabi niya. Totoo ba 'yun?

"Baka hindi sapat 'yung libre ni Train?" Thorn joked. Inirapan ko siya at nagsimulang kumain. Binalik na rin 'yung bowl ng rice sa kanila.

"Tangina niyo, kinalimutan niyo ako! Hindi pa ako kumukuha ng kanin!" Serenity said that made us laugh.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon