072

976 45 9
                                    

PRISTINE

"What do you want to say? Please make it faster. Ayoko nang paghintayin si Trouble."

Matagal bago siya nagsalita. "Kayo.. kayo na ba ulit?" he asked. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya sinabi kong..

"Hindi.. pero siya pa rin." sagot ko. Mapait siyang natawa at nakita kong kumuyom ang kamao niya.

"Pristine.. Hindi ba pwedeng ako na lang?"

"Alam kong mali na pumayag akong gamitin ako pero.. totoong mahal kita. Ayaw kong mapunta ka kay Trouble kaya ginawa ko 'yon.."

"Mahal na kita simula nung nagmomodel ka na.. Matagal na kitang tinitignan sa malayo.. Hindi pa ba sapat 'yun para ako naman piliin mo?"

"Sorry, Train. Si Trouble pa rin talaga.." sabi ko.

I'm admitting it to myself. Na kahit kailan, si Trouble lang talaga. At para na rin hindi na umasa si Train.

"Last na, Pris. Pagbigyan mo naman ako oh," sabi niya. "Last one hug, please."

Bago pa man ako sumagot, niyakap na niya ako. I didn't know what to do so I patted his back.

Nilayo niya ng konti ang sarili niya pero unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at itutulak na sana siya nang may biglang tumulak sa kanya.

"Gago ka ah!" galit na sabi ni Trouble. Nagulat naman ako nang masuntok ni Train si Trouble.

Gumanti si Trouble at buti na lang, kasama ni Paradise si Sky at siya ang umawat sa dalawa.

Dumalo ako kay Trouble na hinihingal pa rin dahil sa suntok at galit niya. Hinawakan ko siya sa braso pero inalis niya at naglakad palayo.

Susundan ko sana siya nang pigilan ako ni Train.

"Train, as much as gusto kong maging gentle sa'yo, please lang, 'wag ka na ulit manggulo. Mag ingat ka sa pag drive pauwi. Thank you, I hope this will not happen again." sabi ko bago sundan si Trouble.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon