◦°•✧ flashback ✧•°◦
PRISTINE
4 months had passed since Trouble and I became official. Sobrang saya ko nung mga buwan na yun at ang mga bitter kong kaibigan, syempre, mga panira.
At nakabalik na nga pala kami kay Mommy. Yun pala usapan nila ni Daddy na babalik kami kapag sinagot ko na siya.
Sa school tuwing break kami magkasama. Hindi naman kasi kami magkaklase pero okay lang. Baka maumay na ako sa pagmumukha niya.
"Break na, hindi ka pa tatayo?" Serenity asked. "Sus, 'yaan mo 'yan. Papasundo lang kay Trouble— aw masakit yun!"
Nagsimula na naman mang-asar si Hiraeth kaya binato ko siya ng notebook ko. "Speaking of,"
"Pristine, tara na.." biglang sulpot ni Trouble.
"Trouble oh, ayaw mo pumunta ng canteen. Gusto pa yata solohin ka!" sabi ni Paradise kaya tumawa naman si Trouble.
"Totoo yun? Okay lang naman, pwede mo ako solohin.."
"At eto na naman sila, makaalis na nga!"
"Ang bitter ni Euphoric 'no?" sabi ko.
"'Yaan mo na, ikakasal na eh." sabi niya. Prepared pala ang loko kaya andami na niyang dalang pagkain, favorites ko pa.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nag ring yung cellphone niya.
madelline panget calling. . .
"Oh ba't hindi mo sinagot? Sino yun?" agad na tanong ko nung in-off niya yung phone niya.
"Wala lang yun. Family friend, anak ng business partner ni Daddy." sabi niya kaya napatango na lang ako.
Hindi ko alam pero kinabahan ako.
BINABASA MO ANG
PRISTINE | vrene
Storie brevi❝ when can i finally forget you? ❞ ↳ vrene ff ; epistolary & narration 𝘀𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀: completed 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 06.17.18 𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱: 09.25.18
