061

991 64 42
                                    

PRISTINE

Nanlalamig ako habang hinihintay si Serenity. Sa tambayan kong 'to, isang pahabang table lang ang meron at magkabilaan na pahabang upuan din.

At kung nananadya si Prielle, sa tapat ko pa sila ni Trouble umupo. Napagitnaan naman siya ni Thorn at Trouble.

Nginitian lang ako ng awkward ni Thorn pero si Trouble, hindi 'man lang ako tinitignan.

I sighed when I saw Serenity coming to our place. Yari ka, Prielle.

"Ay, akala ko ba no pets allowed sa school?" malakas na tanong ni Serenity habang nakatingin kay Prielle. Bahagya namang natawa si Thorn.

"Excuse me—"

"Dadaan ka? Sige, alis ka na. 'Wag ka na rin bumalik." pagputol ni Serenity sa sasabihin ni Prielle while a fake smile is plastered on her face.

Tuluyan nang natawa si Thorn habang ako, nagpigil na lang ng ngiti. Namula naman sa inis si Prielle.

"Now I get it why you two are friends. Pareho kayong bitch and basura," sabi ni Prielle.

"Kung bitch at basura kami, ano ka pa?" pambawi ni Serenity. Pinapakalma ko naman siya dahil alam kong 'pag nainis 'to, mahihirapan na akong patigilin 'to.

"Little Pristine can't defend herself," Prielle ignored Serenity and targeted me.

"You called your trashy friend para ipagtanggol ka? Aww. Hindi mo pala kayang ipagtanggol ang sarili mo eh."

Hinila ko na si Serenity patayo para umalis na lang. Bahala na kung tambayan ko 'to, ayaw kong makita pagmumukha ni Prielle.

"You're leaving? Tss, sabi na eh. Hindi ka mananalo sa akin."

"First of all, Pristine ang pangalan ko, hindi leaving. Sinasabi mong basura si Serenity eh bakit, ikaw ba hindi?"

She was about to speak when I spoke again.

"And I can defend myself, I just don't stoop down on your level. Oo, nung una pinapunta ko si Serenity dito para tulungan ako, pero nung narinig ko mga sagot mo, narealize ko na.."

"Kayang-kaya naman pala kita. And to tell you, I already won," sabi ko at nginitian pa siya.

Nakuha niya pang ngumiti bago magsalita. "At least I have what you don't have, and he's mine,"

"Si Trouble ba? Edi sa'yo na. Tingin mo kawalan ko 'yan?" huling sabi ko bago umalis doon.

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon