PRISTINE
"Hintayin kita sa parking lot, doon sa usual na pinagparkingan ko." Trouble said before leaving me here in the classroom.
Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas kaya kinantyawan na naman ako ni Madelline at Paradise. Hinayupak!
"Mga malalandi! Lampo!" sabi ni Madelline kaya tinawanan namin siya ni Paradise.
"Balikan mo na kasi si Maverick para hindi ka bitter dyan," pang-aasar ko kaya inirapan niya ako.
"Ew, edi doon siya sa babae niya! Pake ko doon?" mataray na tanong niya.
"Mama mo walang pake, pero pag-uwi sa bahay mag iiyak ka?" natatawang tanong ni Paradise kaya hinampas siya ni Madelline.
"Bakit ba ako nasa hot seat dito? Dapat ikaw, eh!" turo sa akin ni Madelline. "Oh bakit ako? Nakwento ko na ah?"
"Kaya nga, eh ano ba kayo ni Trouble ngayon? Kayo na ulit?"
That question.. hindi ko alam, sa totoo lang. Yes, nag uusap na ulit kami at laging magkasama pero walang nagsasabi ni isa sa amin kung kami na ba ulit.
"I don't know.. Basta masaya ako na kasama ko na ulit siya." sagot ko.
"Kahit may umeepal na Prielle?"
"Tsk, hayaan mo na 'yon.. Sabi ni Trouble hindi naman daw sila eh," sabi ko na lang.
Lumabas na kami at habang naglalakad papuntang parking, biglang sumulpot si Train.
"Pris.. Mag usap naman tayo.. Please," sabi niya. Hinila naman ako nila Madelline pero hinawakan ni Train ang braso ko.
"Busy ako.. maybe next time, Train." sabi ko habang may pilit na ngiti at hinihila ang braso ko.
"Pris, last na.. Sige na.."
I took a deep breath and answered. "Sige."
"Pristine!" saway sa akin ni Paradise at Madelline. "Okay lang, mauna na kayo. Pakisabi rin kay Trouble na may gagawin muna ako. Susunod agad ako."
"Papapuntahin namin dito si Trouble, dito kayo mag-usap," sabi ni Madelline. "At ikaw, 'wag kang gumawa ng kagaguhan."
![](https://img.wattpad.com/cover/151553224-288-k284387.jpg)
BINABASA MO ANG
PRISTINE | vrene
Short Story❝ when can i finally forget you? ❞ ↳ vrene ff ; epistolary & narration 𝘀𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀: completed 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 06.17.18 𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱: 09.25.18