046

928 51 13
                                    

PRISTINE

"Uh, Trouble, meet Train.. Train, meet Trouble," awkward na sabi ko sa kanilang dalawa. Lumabas na kami pero nag stay sa isang corner.

Nanatiling nagtitigan ang dalawa. Puta, love at first sight ba silang dalawa?!

"Ah, nice to meet you.." sabi ni Train. Walang imik naman 'tong si Trouble kaya siniko ko siya. "What?"

"Ayos mukha, hoy." sabi ko sa kanya. Parang tanga kasi.

"Tara, Pris. Tambay ulit tayo. May good news ako sa'yo," sabi ni Train.

"Ah, sige. Uuwi na rin naman 'tong si Trouble. Hatid ko lang sa may kotse niya.." sabi ko at hinila na si Trouble.

"Bakit ganun 'yung asta mo kanina? Hindi ka naman ganyan ah?" takang tanong ko.

"Hindi rin naman ako marunong makipagplastikan sa taong ayaw ko."

"Wow, ayaw mo si Train? Eh ang intense kaya ng titigan niyo kanina," nang aasar na sabi ko.

"'Yan na pala kotse mo eh, balik na ko doon."

"Talagang sasama ka doon sa Train na 'yon?" tanong niya. "Malamang, close kaya kami."

Hinila naman niya ako papalapit, as in sobra!!

"Close 'din tayo, sasama ka rin sa akin?" sabi niya. "Loko!"

"Sige papayagan kita sumama ngayon sa kanya pero, akin ka pa rin."

Sa'yo lang naman talaga. Pero, akin ka ba?

"Siraulo. Dati 'yon, hindi na ngayon." sabi ko na lang sa kanya. Nakita kong lumambot ang expression niya. Lumayo na ako para na rin makasakay siya sa kotse niya.

"Ingat sa pag drive." huli kong sabi bago maglakad papalayo.

~~~
snow:
♡ hindi ko alam pano ko tatapusin 'to :c

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon