◦°• ✧ flashback ✧ •°◦
PRISTINE
"Sige na kasi, Pristine! Samahan mo na ako sa amin. Ayaw ko na talaga sa bahay, I swear!" pagpupumilit ni Euphoric. Pinipilit niyang samahan ko siya sa kanila para ipagpaalam siya na dito na siya tumira kasama naming apat. Siya kasi ang pinakabata kaya ayaw pa payagan nila Tita.
"Why me? Andyan naman si Hiraeth oh!" sabi ko. "Alam mo namang hindi magpapaniwala si mommy dyan eh, tsaka sa'yo lang naniniwala 'yon!"
Bakit ba ang hirap maging pinakamatanda sa grupo?
• ✧ ° • ✦ ° • ✧
"Thank you talaga, mommy! Magpapakabait ako kasama nila Pristine, promise!" sabi ni Euphoric at nagmamadaling kinuha ang gamit niya.
"Thank you po, tita. Alagaan po namin si Euphoric, promise!" sabi ko. Nginitian naman ako ni tita.
"Alam ko namang kating kati na 'yan sa inyo tumira. Pinagbigyan ko na ngayon. 'Wag gagawa ng kalokohan ha?" paalala sa akin. Tumango naman agad ako.
"Magccommute ba kayo papunta sa inyo? Mukhang maraming dala si Ri eh. Alis na alis agad." sabi naman ni Tito.
"Opo, pero kaya naman po. Dalawang sakay lang naman po.."
"Ipapahatid ko na lang kayo kay Trouble. Gisingin ko lang ha."
I was about to disagree when Tita already went upstairs. I know Trouble, Euphoric's brother, and a member of KINGS, which is the opposite gender of our group, QUEENS. Ang nakakausap ko lang doon sa kanila is yung leader nila, si Sky. Bukod sa magkaibigan sila ni Paradise, siya ang nakakausap ko tuwing may meeting.
"Jusko naman Euphoric! Talagang alis na alis ka na dito at mukhang dinala mo lahat ng gamit mo!" rinig kong sabi ni Trouble mula sa taas. Napatawa naman kaming dalawa ni Tito.
Bumaba silang dalawa at hawak hawak ni Trouble ang dalawang maleta ni Euphoric.
"Ri, talagang pinaghandaan mo 'to?" gulat na tanong ko. "Syempre!" sabi niya at nauna pang lumabas.
"Babaita magpaalam ka muna sa mga magulang mo, hoy!" sabi ko kaya bumalik siya sa loob. Natawa naman si Trouble sa sinabi ko.
Nagpaalam na rin kami at lumabas na. Tinulungan ko sila ilagay yung mga gamit ni Euphoric sa compartment at uupo na sana sa backseat.
"So ano? Dalawa kayo dyan sa likod? Isa naman dito sa harap, oh." sabi ni Trouble nang mapansin na dalawa kaming nasa likod.
"Hala, ang arte naman neto ni Kuya! Pristine, ikaw na lang!" sabi niya. Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Wow, ako pa talaga? Kuya mo 'yan hoy!" sabi ko. Nainip ata si Trouble kaya nagsalita siya ulit. "Gusto niyo pa bang tumagal dito?"
Euphoric looked at me and then I sighed before transferring. Napangiti naman siya kaya inirapan ko. "Tara na!"
• ✧ ° • ✦ ° • ✧
Ang walanghiyang Euphoric, dere-derecho pumasok sa bahay! Iniwan ba naman ang mga gamit niya.
"Napaka naman talaga ni Euphoric oh.." nasabi ko na lang. Tinulungan ko si Trouble magbaba ng gamit.
"Kaya mo ba? Okay lang kahit ako na lang.."
"Okay lang. Tulungan na kita." sabi ko. Pagkapasok namin sa bahay tuwang tuwa sila Hiraeth na nakayakap kay Euphoric. Parang naman hindi kami nagkikita, jusko!
"Madam! Saan po namin 'to ilalagay?" Trouble asked, full of sarcasm.
"Ay hala sorry, kuya at Pristine! Diyan na lang, ako na bahala mag akyat mamaya." sabi niya sabay peace sign.
"Papahirapan mo pa mga kaibigan mo mag akyat mamaya. Saan ba kwarto neto?" tanong sa akin ni Trouble.
"Sa taas, right side pinakauna." sabi ko at binuhat na lang din ang mga gamit ni Euphoric.
Pagkatapos ay hinatid ko na rin si Trouble palabas. Ang magaling niyang kapatid, lumalamon na!
"Thank you sa pagtulong! Sorry na rin sa abala.." I said. "No, okay lang. Para sa kapatid ko naman. Please take care of her, okay?"
"Yup, no problem. Ingat sa pag uwi." sabi ko bago siya pumasok sa kanyang kotse.
"Pasok ka na, aalis ako pagkapasok mo." sabi niya nang binaba niya ang window ng kotse niya.
Tumango naman ako at pumasok sa loob ng gate. Umalis na rin siya ng ilang saglit.
~~~
note:
♡ yieieie dami ko nasulat HAHAHAH puro flashback muna ehe
BINABASA MO ANG
PRISTINE | vrene
Historia Corta❝ when can i finally forget you? ❞ ↳ vrene ff ; epistolary & narration 𝘀𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀: completed 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 06.17.18 𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱: 09.25.18