039

994 57 2
                                    

PRISTINE

"Pristine! Kanina pa nagriring 'tong phone mo. Si Tito tumatawag!" rinig kong sigaw ni Hiraeth mula sa labas.

"Pakisagot! Magbabanlaw na ako." sagot ko pabalik.

Mabilis lang din ako natapos at bumungad sa akin ang namumutlang si Hiraeth.

"Okay ka lang? Bakit namumutla ka?" alalanh tanong ko sa kanya.

"Anong sabi ni Mommy? Bakit ganyan itsura mo?"

"P-pris... si Tita Priscilla daw, nasa hospital. Naaksidente kagabi.."

For a second, I was stunned to do anything. Hindi nag process sa aki na ganoon ang nangyari.

"Saang h-hospital sila? Pupuntahan ko.." I said as my tears started to form in my eyes.

Tinext sa akin ni Daddy ang address at agad naman akong nag book sa Grab para makapunta doon. Hiraeth insisted to accompany me but I said no, pero sabi niya susunod silang apat.

As soon as I arrived at the hospital, tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa room ni Mommy. Bumungad sa akin ang ilang kamag-anak na nandoon.

"Pristine! Buti na lang at dumating ka na. Nasa loob ang Daddy mo, hinihintay ka." salubong sa akin ng kapatid ni Mommy.

"Daddy.." pagtawag ko kaya lumingon siya sa akin. Lumapit siya at pinaupo ako sa bakanteng upuan.

"What happened?" tanong ko.

"She was insisting to go out last night, pero busy ako sa trabaho ko since may malaking investor ang interesado na mag invest sa kumpanya natin. Sabi niya siya na lang daw mag isang aalis, I didn't agree on her idea because you know I can't let her go alone. Hindi niya ako sinunod and then the next thing I knew, may tumawag na sa akin na unknown number, saying that.." Daddy stopped for a while, "that your mother got to an accident."

I looked at my Mom who's unconscious right now. She had bruises on her face, and a cast on her arm.

"Ang sabi nila, nawalan daw ng preno ang kotse. But you know your mother! Hindi umaalis 'yan nang hindi chinecheck ang sasakyan. Nangyari ang aksidente nung pauwi na siya, so I'm thinking that this isn't an accident."

Muli kong tinignan si Mommy, at napaiyak na lang ako. Daddy hugged me kaya lalo akong napaiyak.

"The doctor said that okay na ang Mommy mo, at kung may complications sa ulo niya, ooperahan agad siya. For now, stable naman na siya. She's just sleeping right now.."

After that talk with my Dad, I excused myself to go out to buy food for us two. Habang naglalakad ako, napaisip ako sa sinabi ni Daddy. If that wasn't an accident, who would do that to my Mom? Wala naman akong kilalang kaaway nila sa business. Whoever did that is purely an asshole.

~~~
snow:
uy ang habAaAaAa hihe

PRISTINE | vreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon