"I'm on my way, Hon. I'm sorry I just had to rush an employee to a hospital. I'll meet you in a few. I love you."
I frowned as I stared at my Parmigiani Fleurier watch that said my boyfriend Nathaniel Villasanta was thirty minutes late already. We had agreed on a date to this newly opened Spanish restaurant near my office. I hated waiting, especially if I had loads of work left in the office and I wasted my precious time waiting for someone who promised to be early. I didn't care if his tires were busted or he's being chased by a psycho, If he said 7pm, he should be here fifteen minutes before that. I called for the waiter and ordered my favorite champagne. Kapag wala pa siya bago ko maubos ang alak, I had to go.
Nathaniel Villasanta had been my boyfriend for over a year now. He came from an old family and an unquestionable moneyed heritage. Maganda ang reputasyon nito sa alta sosyedad, may sariling kompanya at responsableng tao. Matulungin din ito sa nangangailangan at may malaking puso para sa mga empleyado. The man was flawless except for his tendency to be overly sympathetic. Hindi naman sa ayokong sobrang mabait ang boyfriend ko, but sometimes he needed to draw the line. Kagaya ngayon, pwede naman niyang isakay sa taxi ang empleyado niyang masakit ang tiyan at tawagan ang kamaganak nito pero siya pa talaga ang nagdala sa hospital at personal na nag asikaso. Ang resulta, sayang ang oras ko.
Tatayo na sana ako sa kinauupuan nang mamataan ko sa siya sa entrance kasabay ang isang waiter na nagturo ng kinaroroonan ko. Nathaniel was tall and formidable in his three piece black executive suit. His eyes were the shade of darkest brown, he had a boyish face and a clean angular pitch black hair. Nathaniel was a handsome young man, kaya naman kapag kasama ko siya sinisigurado kong maayos ang damit ko at maganda ako sa paningin ninuman. I wore a designer form-fitting tweed dress in dark red. My burgundy smokey eyes and bold lipstick matched my outfit flawlessly. Habang ang mahaba at alon-alon kong buhok ay malayang nakalugay sa likuran ko.
"I'm sorry. This won't happen again, I promise." sabi niya nang makapwesto sa upuang nasa harapan ko. It was his idea to decor the table with candle lights and roses. The sound of soft violin soothed my ears.
"It's ok." matamis ang ngiting binigay ko sa kanya. After all, Nathan was the closest to family I had. Mag isa lang ako sa buhay, walang magulang, walang kapatid at walang malapit na kamag anak. Isa akong Architect, I was an scholar and I had to work my ass out just to be the woman I am now.
"Nakakahiya naman sa top notch lady architect ng taon, pinaghintay ko."
"You knew?"
"Of course! Nabalitaan ko, bakit hindi mo ako inimbitahan sa awarding?" may halong pagtatampo sa boses nito.
"Nathan you were in Malaysia. You had a business meeting last week, remember?"
"So? Kuala Lumpur is three hours and forty-five minutes away from the Philippines. Do you think I wouldn't make it?"
Uh.oh. Nagtatampo nga siya. "I'm sorry, Hon. Siguro ayaw lang kitang mapagod. Mapapatawad mo ba ako?" sabi ko na mas lalong ginandahan ang ngiti. Alam kong hindi niya ako kayang tiisin.
He ordered a full Spanish menu. Kapag kasama ko siya marami akong natututunan sa mga gawi ng totoong mayayaman. Sanay si Nathan sa ganitong magagarbong pagkain, kung gusto kong manatili sa tabi niya, kailangan ko siyang sabayan. Base sa kilos at mga titig niya sa akin, alam kong proud ito sa akin at mahal na mahal ako. Bagay na pinagpapasalamat ko ng husto dahil kahit naman mataas na ang kalagayan ko sa lipunan ngayon at may sarili na akong pangalan, isang labandera pa rin at dancer sa club ang namatay kong ina at isang itinakwil na anak pa rin ang aking ama.
"Mr. Romero is very happy with what you did to his townhouse in Batangas. He said you are beyond excellent and he would tell his colleagues about your firm."
"Really?" nanlaki ang mga mata ko sa balita niya. Mr. Romero was one of my wealthiest clients and getting its commendation was a great thing. "That's good news! I always thought that that project was a disaster."
"Bakit naman?"
"Hindi kami magkasundo ng engineer na nakatrabaho ko sa project na 'yan. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng creativity at innovation. He would always stick to his old fashioned books, madalas kaming magtalo." anong magagawa ko, ganito talaga ako. I believed that success was always built on risks and dangerous decisions. Kung hindi mo haharapin ang kinatatakutan mo, mananatili ka sa pwesto mo at wala kang patutunguhan.
"That's odd. Akala ko si Engr. De Luna na ang pinakamagaling na engineer sa bansa. Hindi pa rin niya abot ang standards mo? Alam mo Hon, that's what I am scared about you, masyado kang perfectionist, you need to loosen up-"
"Nathan, hindi ako kagaya mo na pinanganak na mahal ng mundo. May magandang kang pamilya at may kinikilalang apelyido. Kung gusto kong maging karapat-dapat sayo kailangan kong maging perpekto."
Napabuntong hininga siya. Binitawan ang kutsarang hawak at matamang tumitig sa akin. "Architect Isabel Funtalva, you are perfect for me. Hindi mo kailangang ipaglaban ang sarili mo sa akin dahil ikaw lang ang laman ng puso ko wala ng iba. Mahal na mahal kita alam mo 'yan."
"Pa'no ang mga magulang mo? Kailan mo sasabihin sa kanila ang tungkol sa atin?"
"Uuwi sila sa susunod na buwan. Ipapakilala kita sa pamilya ko Isabel. Seryoso ako sayo, ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan."
Bumalik na naman ang pamilyar na kaba sa puso ko. Ang mga magulang ni Nathaniel, they were almost royal bloods here in the Philippines. I did my research about them and apparently they were not as golden hearted as their son was. Mabait si Mrs. Villasanta pero kagaya ng isang tipikal na mayaman, she had a line that peasants cannot go beyond. Paano kung hindi nila ako tanggap para sa anak nila? Which was most likely dahil mahirap lang ako na nagsikap upang umangat. Hindi bughaw ang dugo ko at wala akong maraming ginto na pwedeng ialay sa kanila.
"Oh natahimik ka?" puna ni Nathan.
"Wala." binalik ko ang atensyon sa pagkain at sinubukang kalmahin ang dibdib ko.
Lampas alas dyes na ng gabi ng ihatid ako ni Nathan sa apartment.
"Good night, love." pinatakan niya ako ng halik sa noo at sa mga labi bago nagpaalam. Isinara ko ang pinto at pikit-matang sumandal doon. May kalakihan ang tinutuluyan kong apartment, kumpleto sa gamit at nasa loob ng isang may pangalang subdivision. Kung tutuusin malayo na ang narating ko. Maganda at stable na ang trabaho ko sa isa sa pinakamalalaking architecture and engineering firm sa bansa, ang R&R International. May ipon na din ako sa bangko. Boyfriend ko ang isa sa pinakaeligible na binata sa buong bansa. Pero bakit ang dami ko pa ring insecurities at hindi pa rin ako kuntento? Nathan's parents would approve of me, there was no reason not to. Magiging isa akong Villasanta balang araw at hindi ko na kailangan ipaglaban ang sarili ko kahit na kanino. Isang araw sa mga social gatherings nilang mayayaman, makakatagpo ko ang aristokrata kong Lola na nagtakwil sa tatay ko. Ipapamukha ko sa kanya na nagkamali siya sa desisyon niyang palayasin si Papa. Isang akong Imperial, dugo at laman ko ang pagiging Imperial. Ang pagpapakasal kay Nathan ang tanging paraan para tanggapin ako ng Lola ko. Sa akin niya ipapamana ang lahat ng kayamanan niya, wala ng iba pa. Call me ambitious or greedy or gold digger I do not care. I was deprived of everything since I was born. No love, no money and no respect given to me. I always had to earn it the hard way. Hindi masamang bumawi, hindi masamang ambisyonin kong magkaroon ng limpak-limpak na salapi at ako naman ako tingalain nilang lahat.
Matapos lumagok ng isang basong kape ay tinungo ko ang study table. Alas dose na ng gabi, pero hindi pa tapos ang araw ko. Kinuha ko mula sa shelf ang libro ng pinakaborito kong engineer na si Nicholas Ramirez. He had always been my idol when it comes to brave, risky designs. I started reading his works since college, and he was more than excellent. Part of the reason why I became the country's leading woman architect was because I followed him.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...