"Nothing, Leila. Just go back to the table now."
Pero hindi kumibo ang babae sa halip ay tinitigan ako ng masama, sinipat ako mula ulo hanggang paa na para bang isang akong pulubing pusali na pinaliguan at binihisan. Humalukipkip ito at taas ang noong humarap sa akin. She was few inches taller than me. She had a long wavy curls, thin waistline and her skin was impossibly white and glass-like. Sa unang tingin alam ko na kaagad ang mga tipo nito. Pinanganak na mayaman at sagana sa lahat ng uri ng mamahaling pampaganda simula ng isilang.
"Is she the architect you have been sending flowers lately?" mataray ang boses at pilantik ng kilay nito. "Teka sandali.. I think I know you. " biglang sabi nito na rumehistro sa mga labi ang isang nakakainsultong ngisi. "Small world, huh. The famous social climber from our college days, Isabel Funtalva. I remember you now."
"Hindi kita kilala."
"Yeah. Maybe. Pero kilala ka ng mga kaibigan ko lalong lalo na ni Kazey, madalas ka niyang ikwento sa akin. Pinaguusapan ka namin kapag bored kami at gusto naming tumawa. By the way congratulations on your recent award Architect of the year. I wish I could say I'm proud of you. But I can't, that would be a big lie..."
"Leila, will you stop it? I told you to go back to our table. Now!" asik ni Nathan.
"You do not tell me what to do, Nathan!" singhal pabalik ni Leila."Kazey will be so thrilled to hear about this. You walking in front of Nathan's parents trying to steal my boyfriend from me? I just caught you in the act in one of your social climbing escapades! Tama nga silang lahat, ambisyosa ka. Villasanta talaga ang gusto mong apelyido? Ang taas ng lipad ah!"
"Leila, let's go." Nathan demanded.
Bukas at kuyom ng kamao ang ginawa ko para pigilan ang sariling sampalin ang babae. Naiinis ako dahil sa galit ko ay naiiyak ako. Gustong tumulo ng mga luha ko dahil sa pait na dulot ng bawat katagang binitiwan nito. Alam kong hindi ako dapat magpaapekto, pero nasasaktan pa rin ako. Akala ko nakatakas na ako sa anino ng nakaraan ko, na ibang tao na ako ngayon, hindi pa rin pala. Isa pa rin akong hamak na hampaslupa at anak ng dancer sa paningin nila.
"Oh wait, I knew that watch you're wearing. Is that Rolex?"
Itinago ko sa likod ang relo. Tumawa ng malakas si Leila na kinapula ng mukha ko sa pagkapahiya.
"That's fake! Nagsusuot ka ng fake na relo para magmukhang mayaman? How pathetic!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi fake ang relong 'to!" sigurado ako. Mahal ang pagkakabili ko nito online.
"You obviously don't have the eyes for authentic classy items. But I don't blame you, you're just a trying hard social climbing bitch anyway-."
May hangganan ang pasensya ko at umabot na iyon sa dulo. Kakalbuhin ko 'tong babaeng ito. Umangat ang kamay ko, papalapagin ko iyon sa pagmumukha ng punyemas na babaeng ito na napakasalaula ng bunganga kundi lang may malakas na kamay na pumigil sa akin. Si Cole, pumaikot ang mga daliri niya sa pulsuhan ko hanggang sa hindi ko na maigalaw iyon. Pilit kong binawi ang kamay ko pero hindi niya ako pinayagan. Sa halip ay tiningnan niya ako ng mabigat. Napasinghap ako at hindi nalang kumibo, damn, hindi ako makakibo! Ganoon kalakas ang dating ng presensya niya. Titig palang wala ka nang palag!
"The watch looks authentic to me." he said. Tiningnan ko siya ng masama, pero ngumiti lang ng matamis ang hudyo.
Anong ginagawa mo?
Saving you, fathead! His eyes responded.
Napako ang tingin ni Leila kay Cole. Kagaya ng reaksyon ng 99.9% ng mga kababaehang pinagpalang makakita ng kagwapuhan niya, natulala din ito. Halata sa kislap ng mata nito na hinuhubaran si Cole sa utak. Napabuga ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...