Hi!Ang sarap sa pakiramdam na kahit may problema ka at pakiramdam mo lugmok na lugmok ka na ay may mga taong nandyan lang sa tabi mo at handang damayan ka.
Speaking of the devil goat. Nagring ang cellphone ko at siya ang tumatawag. "Ano?" pabalya kong sagot doon."Bakit ka ba sumisigaw? Inaano ka na naman ba dyan?"
"Bakit hindi ako sisigaw eh inaano mo ako! Iniinis mo ako!!"
"Hey. Hey. Hey. Calm down, fat ass. Ayoko kita anuhin.. inisin."
"Shut up, Ramirez. Wala akong panahong makipag-lokohan sa 'yo. Kung tungkol sa trabaho ang tinawag mo, bukas mo ako kausapin dahil off duty pa rin ako ngayon. Kung hindi ito tungkol sa trabaho, wala tayong dapat pag-usapan. Bye!" totoong kumukirot ang ulo ko. Inis kong pinatay ang cellphone, naiirita kasi ako dahil siya ang dahilan kung bakit napurnada na naman ang lakad ko. Now what?? Crossed out na si Nathan Villasanta, pati si Paul Demontero, ano nang gagawin ko?
Ilang minuto lang tumatawag na naman siya.
"It didn't work out with Paul, did it?" bungad niya.
Yeah right Thanks to your skyrocket engine-powered sex appeal. Why do you have to be a freakin god sent from Olympus to torture me here on Earth? "I don't like him. He's too...too annoying. Ayoko ng lalaking madaldal at masyadong maraming sinasabi. Ayoko ng bossy. At mas lalong ayoko ng masyadong maraming muscle sa katawan!"
"Oh."
"Bakit ka ba tawag ng tawag?"
"This is about your grandmother."
"Hindi mo kilala ang Lola ko. Shut up already."
Tumawa siya. "Yes, I do. Eleanor Imperial. Sinabi mo 'yon no'ng lasing ka."
Napaayos ako sa pagkakaupo nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ng Lola ko. "Naniniwala kang Lola ko nga siya?"
"Naniniwala ako sa kahit na anong lumabas d'yan sa bibig mo. I trust you, ok. Listen, your grandmother is sick, you need to visit her as soon as possible."
"Hindi kami close. Wala akong pakialam kung mamamatay na siya ngayong araw. Bakit ko siya pupuntahan, aber??"
"Dahil wala kang mamanahin kapag namatay siya kaagad at hindi kayo nagkakausap. I thought your wanted to get your rightful inheritance?"
Oo nga naman. Kailangan kong pumunta doon, kahit ipagtabuyan niya ako. Siguro naman ngayong naghihingalo na siya tatanggapin na niya ako bilang apo niya 'no.
"Teka nga, paano mo nalaman na may sakit si Eleanor?"
"Nakita ko sa news sa TV."
Kumunot ang noo ko. Meron ba? Hindi ba dapat ako ang unang makaalam no'n? Lintik busy kasi ako kay Paul, bakla naman pala. Sayang ng oras ko! Yun pa naman ang pinaka-ayoko ang nasasayang ang oras ko! "Ok. Pupunta ako doon ngayon. Mali-late ako bukas sa trabaho."
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...