Cole
I can't believe I just met this woman and I was doing all this for her. Hindi naman talaga ako ang tipong nagbibigay ng pabor sa kahit na kanino, hindi ako ang tipong nagbibigay ng tulong ng walang kapalit. When was the last time I did this? I honestly could no longer remember, hindi ko nga maalala kung nagawa ko na ba talaga ang bagay na ito. I had a hot babe waiting for me in her penthouse, I should be banging her right now, pero nandito ako nakatanga kay Ar. Funtalva habang pinagsisiksikan ang sarili niya sa boyfriend niyang hilaw na mukha namang pigsa ang mukha. Hindi ko alam kung bakit nag-abala akong samahan siya at hanggang ngayon hindi ko maiwan. Naging close ba kami nang paduguin niya ang bibig ko at basagin niya ang cellphone? Natawa ako. Shit. Siguro nga.
Sa anggulo ko, nakita ko kung gaano kalamya ang kilos ng pinagmamalaki niyang boyfriend. Matangkad nga pero mukhang hangin at buhangin ang kinakain. Kapag sinapak ko siguro 'tong si gago tulog 'to ng mga isang taon. Hindi nakalusot sa paningin ko ang hawi ng buhok at pagkakasalansan ng damit niya sa katawan, ganun ba ang istilong gusto ni Isabel? Kabaong nalang hihiga na? Kaya pala hindi niya ako type.
Natawa ako. Hawak ko ang sariling tiyan habang namimilipit sa tawa, ang sakit pala pag pinipigilan ang halakhak. Nakakaubo! Ano bang nakita ni Isabel dito? Ito ba 'yong maayos manamit, maganda ang tabas ng dila at gentleman sa kanya? Bilib na ako sa boyfriend niya, hindi ko kaya ang pormahan na ganyan. Hindi ko kayang magmukhang siopao na hilaw kahit pa tutokan ako ng sampung shotgun!
Binalik ko ang atensyon kay Architect. Ang bagal niyang maglakad hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakarating sa mesa ng Nathan niya. She struck me as a woman who knew what she wants and how to get it. Pero nakita ko ang pangangatog ng matambok niyang pwetan. Hindi magandang senyales. Hindi ako mahilig magdala ng panyo pero mukhang kailangan ko no'n ngayon. Pihadong ngangawa 'to. Obvious naman kung ano ang meron sa kabilang mesa. It was a typical future daughter-in-law meets parents-in-law set up. Hindi kailangan ng mataas na IQ para sumahin ang pinaguusapan ng mga ito.
Sa itsura pa naman ni Isabel na mukhang patay na patay sa boyfriend niya. Durog siya dito ngayong gabi. Napapailing na tumayo ako at sinundan siya.
Isabel
"Nathan." umpisa ko. Kinakabahan ako ng husto pero hindi iyon halata sa boses at sa tindig ko. Wala akong dapat na katakutan o ikahiya dahil wala akong ginagawang masama, in fact, mukhang ako pa nga ang agrabyado.
Nang tumingin sa akin si Nathan kitang-kita ako ang pamumutla ng mukha niya. Para bang nakakita ng multo, at para bang bigla akong tinubuan ng pangil sa harap niya.
"Isabel? What are you doing here? Paano ka nakapasok?"
"Bukas ang pinto malamang. Ikaw lang ba ang may kayang magpareserve sa lugar na ito?" I knew that was not the proper way to talk to him in front of his parents pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Ganito talaga ako kapag naiistress, naguguluhan at...nasasaktan. Parang hinihimay ang puso ko. "Akala ko nasa probinsya ka?"
"What's going on, Nathan? Who is this woman?" tanong ni Mrs. Villasanta na nakataas ang kilay sa anak nito at sa akin.
Hinintay ko na sagutin ni Nathan ang tanong. Bandang huli umasa akong sasabihin niyang girlfriend niya ako at nagpropose na siya ng kasal sa akin. Hinihintay nalang naming dalawa ang blessings nila.
"Mom, Dad, she's Architect Isabel Funtalva. I'm working on a project with her, and it seems like there's a problem . Please excuse us." Kaagad siyang tumayo at hinila ako palayo sa mesa ng mga magulang niya patungo sa isang tagong pasilyo.
Malalim ang bawat hingang pinakawalan niya, nakatitig sa akin ang mga mata niya na para bang nagmamakaawa ng kung ano. Ramdam ko ang tensyon sa buong katawan ni Nathan ni hindi nito mapirmi ang kamay. "Isabel-"
"Hindi kita iiskandalohin Nathan, kung 'yon ang kinakatakot mo. Hindi ako palengkera na sasapakin ka at sasabunutan sa harapan ng mga magulang mo. Pero magsabi ka sa akin ng totoo ngayon, 'yon lang ang tanging hihilingin ko sa 'yo. Sino ang babaeng iyon at bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito kayo kasama ng mga magulang mo? Tama ba ako ng pagkakaintindi sa kung ano ang nangyayari?"
"It was sudden, hindi na kita nasabihan-"
"That's bullshit Nathan! You're parents handed a legit reservation to the front staff and it had been booked probably weeks before. Hindi ako tanga. Alam mo 'yan. Ngayon, magsabi ka nalang ng totoo."
"Isabel. I love you, ok? I love you very much, I don't wanna lose you. Pero..pero hindi ka matatanggap ng mga magulang ko. Si Leila Benidez ang gusto nilang pakasalan ko at nandito kami para pormal na pagplanuhan ang lahat..."
Napasinghap ako. I felt all my dreams just shattered into million pieces. Pilit ko kinalma ang sarili ko kahit na ang kalooban ko ay nagkukumahog na kalmutin ito ng mahahaba kong kuko. "Kelan pa 'to? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
"Dahil ayokong saktan ka at ayokong iwanan mo ako! This is just temporary. Mag-papakasal ako kay Leila pero sa'yo pa rin ako. Makikipagdivorce ako sa kanya, kailangan ko lang sundin ang mga magulang ko ngayon para hindi ako mawalan ng mana. Limang taon lang Isabel, limang taon lang ang hihintayin mo sa akin tapos magsasama na tayo kagaya ng gusto mo."
I knew I had my own motive in marrying Nathan but it was not as repulsive as what I heard from him. I wanted his last name, but I also genuinely cared about this asshole for the last few months of my life. Hinangaan ko siya, pinagmalaki ko siya, minahal ko siya! Tapos ganito, gagawin akong kabit? Hindi ko na nga nakuha ang apelyidong siyang una kong gusto tapos tatarantaduhin pa niya ako gamit ang ibang babae? Kung pinarurusahan ako ng Diyos dahil mali ang paraan ko sa pag abot ko ng mga pangarap ko, sobra naman yata ito. Sa umpisa oo, apelyido niya ang gusto ko pero pinag aralan kong mahalin siya! Binigyan ko siya ng oras, inalagaan ko ang relasyon namin, at hindi ako nagtaksil sa kanya!
Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko anumang oras. Galit na galit ako gusto ko siyang saktan. Pasalamat siya hindi pwede, kahit papaano nangingibabaw pa rin sa akin na isa akong edukadong tao. Hindi ang kagaya ni Nathan na walang kwenta, ipokrito, manloloko at taksil ang sisira ng pangalang inalagaan ko sa loob ng ilang taon
"Honey, is there a problem here?" biglang sulpot ng kawayan niyang fiancee. Honey? Honey talaga ang tawagan ng mga hinayupak, wala na ba siyang ibang maisip ginaya pa kung ano ang tawagan namin sa isa't isa? Tumawa ako ng mapakla.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...