50. Lies beneath the Lies

52.8K 1.8K 218
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cole specifically chose this gown, sigurado ako doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cole specifically chose this gown, sigurado ako doon. It was the same exact shade of dark green I wore when I was at Paul's club. Apparently he liked me in this dress he just wouldn't tell me that time. Napakaganda at napaka-elegante ng damit, it was off the shoulder type with plunging neckline. I imagined it would hug my curves in a gracious way. Katerno ng gown ang mamahaling emerald necklace na may maliliit na diamante sa gilid. Ito ang mga klase ng alahas na nakalagay sa vault ng store at nilalabas lang para sa mga super VIP na kliyente. Hindi ko alam kung kaya kong isuot.

The gown and the jewelry came in a huge package with a two syllable note from Cole: In case..

Halos tatlong linggo akong hindi pumasok sa trabaho. Tatlong linggo ang hiningi kong leave sa opisina na pinayagan naman niya. Miss na miss ko na si Cole pero ayokong pahintulutan ang sarili ko na silipin man lang siya kahit na sa litrato o sa mga social media kung saan nagkalat ang mukha niya dahil kapag ginawa ko iyon, magsisimula ako sa umpisa. Babalik ako sa kanya at maduduwag na sabihin ang lahat.

Ngayon na ang gabing pinakahihintay ngunit pinakakinatatakutan ko. Hindi kailangang maaga ako sa party. Pero dapat nandun ako bago opisyal na umakyat si Cole sa entablado at magpakilalang bagong Chairman ng R&R. Nanlalamig ang kamay na inabot ko ang damit. Marahan kong sinuot iyon, ingat na ingat na hindi masira ang pattern ng mga maliliit na beads sa tela nito. Iningatan ko din ang buhok at make up ko na pinagtiyagaan kong ipinta ng halos isang oras.

Sa gabing ito, kailangan maganda ako. Kailangan na water-proof ang maskara ako at kailangan na nakakadena ang puso ko.

Pagdating ko sa malaking bahay nina Cole, pakiramdam ko bumaliktad ang sikmura ko. Inatake ako ng hormones ko sukang-suka ako sa amoy ng bulaklak at wine sa paligid. Hawak ko ang puson ko, gumigiwang ang lakad ko sa mahabang pavement papunta sa backyard ng mansyon kung saan ginaganap ang party. Ilang araw ng walang sigla ang katawan ko at madalas akong mahilo. Binabalikan na naman ako ng paborito kong kumare, kinakarma na naman ako.

Hindi alam ni Cole na nandito ako, hindi niya alam na pupunta ako dahil tatlong linggo kaming walang komunikasyon. Pinutol ko ang linya ang telepono ko sa cellphone at landline. Pati internet hindi ko binuksan. Nagpakangarag ako kakabasa ng mga erotic na pocketbook na nahablot ko sa National bookstore. Imbes na maibsan niyon ang pagka-miss ko kay Cole mas lalo pa tuloy akong nasabik. Bawat linya ng lintik na pocketbook na nabasa ko pakiramdam ko nananadya ang writer dinidescribe pa kung gaano kasarap at kasabaw ang bida puro tuloy si Cole ang naiisip ko. Kung bakit kasi sinex niya ako niya sobrang sarap bago kami maghiwalay. Nakakabanas. Nagseselos pa ako sa bidang babae dahil pakiramdam ko nakikihalik sa jowa ko. Hindi ko kasi marelate ang sarili ko sa mga bida, ang ra-righteous nila, kung maka-amin ng nararamdaman wagas-wagas! Hindi ganoon sa totoong buhay. Sa totoong buhay matatakot ka! At ang se-sexy pa kuno ng mga leche.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon