36. Coffee Delight

58.3K 2K 145
                                    

Coffee this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Coffee this

or coffee that

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

or coffee that

"Kunwari hinabol ako, pero nang makasalubong si Naomi sa pinto tumigil na at nakipagyakapan nalang sa ex niyang white lady! Malaman ko lang talaga ang dahilan ng break up nila, bubudburan ko talaga ng asin 'yon para pareho silang mamilipit sa saki...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kunwari hinabol ako, pero nang makasalubong si Naomi sa pinto tumigil na at nakipagyakapan nalang sa ex niyang white lady! Malaman ko lang talaga ang dahilan ng break up nila, bubudburan ko talaga ng asin 'yon para pareho silang mamilipit sa sakit!" inis na inis kong litanya kay Rushell. Imbes na sa opisina, dumiretso ako sa bahay niya, sa bahay nalang siguro ako magtatrabaho pansamantala, pwede naman eh. Ayokong makita si Cole. Gusto-gusto ko munang pahupain ang ka-OAhan na nararamdaman nitong maarte kong puso.

"Ang OA mo." komento ni Rushell. Pareho kami ng tinatakbo ng utak. "May sasabihin sayo pero di mo pinatapos tapos ngayon iiyak ka? Hindi mo mahulaan kung ano sasabihin niya kaya ngumangawa ka?" pandidilat niya sa akin.

"Alam ko kung ano ang sasabihin niya 'no."

"Gaga. Architect ka hindi ka manghuhula at mas lalong hindi ka psychic. Wala ka ding third eye. Ang labo mo lang talaga!"

"Alam mo ikaw ang gaga. Hindi mo nakikita nasasaktan ako? Mahal ko na yata ang kambing na 'yon."

"Slow 'teh? Matagal na. Ngayon mo lang naprocess ng jutak mo? So ano na ang balak mo ngayon niyan?"

Nakanguso akong tumitig kay Rushell. Matagal na niyang alam ako lang talaga 'tong mabagal mag-process ng feelings ko. Matalino naman ako eh, pero pagdating sa mga kilos at nararamdaman ko para kay Cole parang ang bobo ko, malala! Doon palang sa obsession ko na si Cole ang gawing ama ng anak ko dapat alam ko na sa sarili ko na mahal ko 'yong kambing na 'yon. Kasi pwede naman akong magkaanak kahit kanino, pwede din akong magpa-invitro sa mga lalaking kakilala ko, kung para lang sa pera at sa hacienda, sobrang daming paraan. Pero wala akong ibang ginawa kundi habulin si Cole, kahit na obvious ang disgusto niya sa akin, binulag ko ang sarili ko doon. Pinaniwala ko ang sarili ko na may pag-asa ako kahit wala!

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon