40. Wild Escape

76.2K 2.3K 409
                                    


Kasabay ng bagyo.... makakamtan na nga ba ni Isabel ang pangarap?

 makakamtan na nga ba ni Isabel ang pangarap?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang papalapit ang boses ni Mrs. Ramirez patindi ng patindi ang tensyon ko. Gustuhin ko mang tumakbo hindi ko magawa nang hindi binabangga si Cole. My dignity and pride shattered into million pieces. Natuod ako sa kinatatayuan ko, alam kong nakikita ni Cole sa mga mata ko ang kaba at bigat ng nararamdaman ko.

Nang makaharap ko ang ginang, blanko ang mga matang tumingin ito sa akin. Tapos ay kay Kristoff.

"Oh hello dear. Arch. Isabel, right?"

Mapait ang bawat lunok ko. Simpleng tanong hindi ko masagot.

Nakatuon ang atensyon ko dito kaya ganoon nalang ang gulat ko nang hilahin ni Cole ang kamay ko. Ang pagdapo ng mainit niyang kamay sa kamay ko ay parang apoy na kumalat sa buong katawan ko. Inapula nito lahat ng negatibong emosyon sa puso ko.

"Let's get out of this place." bulong niya na nagpatayo ng lahat ng balahibo ko.

Patakbo kaming bumaba ng hagdan, sinuong ang nagsasayawang mga tao, hinarap lahat ng kamerang nagpa-flash sa harapan namin. Magkasabay naming tinakasan ang party. Walang tigil ang kabog ng dibdib ko, walang kasing higpit din ang hawak ni Cole sa kamay ko. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon lahat ng bigat sa puso ko nawala.

Nang marating namin ang kotse niya, pinatakbo niya iyon sa direksyong hindi ko alam kung saan papunta. Wala akong pakialam, wala din akong tanong-tanong. Alam ko sa puso ko na sasama ako sa kanya kahit saan pa siya magpunta, kahit pa sa kabilang planeta!

Hindi siya umimik, nag-drive siya gamit ang isang kamay dahil ang isa ay nakahawak pa rin sa akin ng mahigpit na para bang hindi siya makakahinga kapag binitiwan iyon.

"Cole.." hindi ako nakatiis, ako ang unang nagsalita. Malayo na ang narating namin, malalim na masyado ang gabi magmamadaling araw na nga yata. Madilim na masyado ang daan dahil sa kawalan ng mga poste ng ilaw, indikasyon na malayo na kami sa siyudad. Ganoon katagal bago isa sa amin ang nagsalita. At ako iyon.

Bumuhos ang malakas na ulan. Halos matakpan na ang daan at hindi na rin kaya ng wiper ng sasakyan na apulahin ang tubig na umaagos. Kinailangang ihinto ni Cole ang sasakyan sa gilid ng daan. Malawak at malagong taniman ang nasa magkabilang panig niyon. Wala nang dumadaan sa parteng iyon kung saan lumiko ang kotse ni Cole.

Ilang beses kong kinagat ang dila ko bago muling nagsalita. "Where are we?"

"I don't know." sagot niya.

Tumitig ako sa kamay ko na nakakulong sa palad niya.

"Maraming media sa party. Bakit kailangan mong hawakan ang kamay ko? Baka kung ano ang isipin nila. Ayokong madawit ang pangalan mo sa lahat ng gusot ko- "

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon