Isabel's step to success:) Find out here
No foul play. No drugs. No tricks. Huh!Boring!
Paano ako mananalo kung hindi ako mandadaya? "Effective ho ba 'to Aleng Lagreng?" tanong ko sa babaeng nagbebenta ng homemade na aphrodisiac-slash-gayuma sa Quiapo. Kasama ko si Rushell na mukhang init na init na, tagaktak na ang pawis niya sa noo dahil nakabilad sa araw ang pwesto ng matanda.
"Subok. Dekalidad at maaasahan!"
"Nagcommercial pa ho kayo. Bawasan niyo na ang presyo tig tatlong daan nalang ang mahal naman ng limandaan!" pakli ko.
"Ano ba Isabel, bilisan mo na at natutusta na ang beauty ko dito. May booking pa ako mamaya, ang kliyente ko hindi masyadong mahilig sa sunog! Kapag iniwan ako no'n hindi mo naman ako mababayaran!"
Binaling ko ang naniningkit kong mata kay Rushell. "Manahimik ka dahil makinis at maputi ka nga pero alam kong sunog yang singit mo! At sinong may sabing wala akong pambayad?"
Binigay ko nalang ang bayad sa matanda. Pumayag nalang ako sa limandaan dahil wala naman akong choice. Hindi kaya ng puro dasal lang na akitin si Captain America. Kailangan ko ng reinforcement!
"Kakautang mo lang sa akin ng 600 thousand, no. Wala kang pera wag kang mayabang." sagot niya nang makabalik kami sa sasakyan. Ngisi ang isinagot ko kay Rushell. Tapos ay inabot ko ang bag ko at mula doon ay kinuha ang wallet ni Cole. Pinaypay ko pa iyon sa harapan ng mukha niya.
"Nakikita mo 'to?" Inilabas ko mula sa wallet ang dalawang cards na kulay itim at kulay ginto. Nanlaki ang mga mata ni Rushell, hinablot sa akin ang cards.
"Putem inanem!" tili niya nang makita ang pangalang nakaukit sa mga iyon. "Nicholas Ramirez?? Anak ng...ang swerte mo talagang bruha ka!"
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...