17. Rockstar on my Bed

98.8K 2.6K 291
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Pagdating sa bahay, inalalayan ko pa siyang makapasok. Iginala niya ang paningin loob ng apartment nang buksan ko ang ilaw.

"Kayo lang dalawa dito?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Mag-isa lang ako dito. Anong dalawa sinasabi mo?"

"Yong katawan mo, pandalawang tao."

Hahampasin ko sana siya ng bag ko pero hinarang niya sa akin ang throw pillow na nakuha niya sa couch. "Hey! I'm sick, ok?"

Kaya naman gigil na gigil kong hinagis ang bag ko sa ibang direksyon. Ngingisi-ngisi siyang sumalampak sa couch na parang may-ari ng bahay at ako ang bisita. "Nauuhaw ako."

"So? Nandoon ang ref oh, bakit hindi ikaw ang kumuha?"

"Hindi ko naman bahay 'to."

"Nakaupo ka na nga sa sofa kahit hindi ka pa pinapa-upo."

Nakibit balikat siya. "Tubig."

"Ayoko nga."

"Tsk." tinitigan niya ako. Tapos pinandilatan. Ang nakakainis dahil naco-conscious ako sa itsura ko. Ayaw pa niyang alisin ang tingin niya hanggat hindi ako sumusunod sa gusto niya. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko, pababa pa papunta sa..

"Fine! Yes Captain! Kukuha na po ng tubig." nakairap kong turan. Pagbalik ko, nakahiga na siya. Nakabukas na rin ang TV at nanonood na ng English movie.

"Hindi na ba masakit ang katawan mo?" tanong ko.

"Masakit. Bigyan mo ako ng pain reliever."

"Bakit ba ginagawa mo akong utusan? Baka nakakalimutan mo bahay ko 'to?"

"May sakit na ako, ako pa kukuha ng gamot ko? Wala kang konsensya??"

Umikot ang eyeballs ko. Ilang beses ako bumuntong-hininga bago muling tumayo at kumuha ng gamot mula sa drawer ng study table ko at pina-inom iyon sa kanya.

"Alam mo, kasalanan mo ang nangyari sayo, bakit kasi pumapatol ka sa babaeng alam mong may asawa na! Nasaan na ang girlfriend mo? Bakit hindi siya ang kasama mo sa bar na 'yon?"

"Wala akong girlfriend. That woman you saw at the construction site, I never went to her place, and we never had seen each other since then. Hind ko rin alam na may asawa ang babaeng 'yon sa bar, dahil ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. We were just making out alright."

"Ang landi mo."

"That's what I am. I am a normal healthy male, temptations come and go. As long as the woman is clean and pretty and she likes me, I'll bang her and forget about her in the morning. Makakalimutin ako sa mukha at pangalan ng mga babaeng nakakasex ko. And I think that's an advantage, a gift, that way I never had to feel sorry afterwards."

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon