31. His Kiss was a Gateway Hell

67.8K 2K 218
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa palabas, dalawang role lang naman ang ginagampanan ng mga extra. Kung hindi kakampi ng bida, e kontrabida! Isang karakter na gold digger at uhaw sa pera? Obvious naman kung saan ako belong di ba? Panggap pa ba?

Kumawala ako sa pagkakahawak ni Atty. Itinaas ko ang noo ko at nagsimulang maglakad patungo sa direksyon nina Cole at Naomi. Inangat ko pa ang long gown ko para eksena ang gintong heels ko. Syempre hindi ako papakabog. Greek goddess ako at walang makakapigil sa eksena ko, kahit pa ang lintik kong puso na ibang klase na ang sakit na ang tinitibok. Masakit na masyado eh, hindi na kaya ng mefenamic.

Walang sabi-sabi kong hinila ang braso ni Naomi palayo kay Cole.

"Isabel? What are you doing here?"

Nakamaskara na ako kilala pa rin ako? Iba talaga ang epek ko kay Cole. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa sa dibdib. Naalala kong may utang siyang halik sa akin noon. Ngayon na ang tamang panahon para magbayad siya. Hinila ko si Cole palapit sa akin. Bago pa man siya makapag-protesta at bago pa man umatungal si Naomi, nailapat ko na ang labi ko sa naka-awang na mga labi ni Cole. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtutol, nakasara pa ang labi niya, hindi ako makapasok. Pero hindi ko siya hinayaan, hindi ako bumitaw hanggang sa malusaw ang protesta niya. Nang maramdaman kong lumambot ang depensa niya pilit kong pinalalim ang halik sa pamamagitan ng pagpasok ng dila ko sa loob ng bibig niya. When Cole finally responded , hindi ko inasahan ang sensasyong lumukob sa akin. It was just a kiss. I just intended to make a scene. Gusto ko lang maramdaman na bida ako ng kahit na ilang segundo lang, pero hindi ko inasahan ang biglang pagsakop ng kakaibang damdamin sa puso ko.

The universe stood still. Not moving. Just breathing.

His kiss was a gateway hell. It's addictive and habit-forming. I started a fire that wouldn't stop burning, a pit of hell that I dived into with my eyes wide open. It's like I signed up for an all expenses paid trip to the gate of heavens and ended up trapped in the back door of hell.

I picked my poison and it's you.

Nothing can kill me like you do.

You're goin straight to my head.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon