Hi!Thank you for joining me until the last chapter. Please keep safe guys!
"Engr. Cole Ramirez is soooo getting married! Have you seen the latest magazine issue about him? God, I can't believe it!""Who's the girl again? Not even his league, I heard she's his secretary?"
Umangat ang kilay ko nang marinig ko ang usapang iyon. Ganoon din si Rushell na kasama kong tumitingin sa display ng mga lingerie sa paborito niyang store. Secretary?Magbabasa na nga lang hindi pa ginalingan. Kung ingudngod ko sa magazine ang pagmumukha ng dalawang atribidang babaeng ito na pinaglihi sa nakamake-up na mannequin ang itsura, buhay pero mukhang mga patay na naglalakad! Di ako nainform na porke't malapit na ang Halloween ay nagkalat na ang mga nakamake-up na zombie sa paligid!
Lumapit ako ng bahagya para marinig ko ng maayos ang usapan ng dalawa.
"I heard she's not even beautiful as Naomi is. You think she drugged him, blackmailed him or something? I mean Cole's not the marrying type."
Oo, binalak ko pero hindi ko tinuloy! Huwag kayong masyadong judgmental dahil baka iprito ko 'yang mga dila ni'yo at ipakain ko sa inyong mga leche kayo!
"And guess what, she's not even as sexy as a thought her to be! I've seen her picture once and I totally had to close my eyes and cringed, I can't believe Cole Ramirez would—"
"Move it!" I cut her off and pushed her. Bago pa man dumugo ang tainga ko sa mga sinasabi niya at bago ko pa man paduguin ang mukha niya. Nagpanggap akong gusto ko ang lingerie na nasa harapan niya para maitulak ko siya.
"Hey, what's wrong with you??" angal ng dalawang babae.
Oh. I knew them. I've seen them in local magazines once or twice. Mga starlet na feeling big star. Ako pa ang sinabihang hindi gaanong kasexyhan eh kung curves lang ang labanan panalong-panalo ako kumpara sa mga hanger na ito na mukhang nakasabit lang ang damit sa katawan. Mataray kong inagat ang kilay ko sa kanilang dalawa at tiningnan mula ulo hanggang paa.
That morning I was wearing a fitted black dress with a high slit on both sides of my legs. Nakahantad ang mga braso kong may katamtamang nipis. Kahit na may kalakihan na ang umbok ng tiyan ko alam kong sexy ako sa damit ko na iyon na mas lalong nagpatingkad ng kulay krema kong balat. Nakasuot ako ng flat na kulay gold na strappy sandals. Hawak ko sa isang kamay ko ang original na Chanel na bigay sa akin ng Lola ko at kumakaway ang gold and diamonds na hoops sa magkabilang tainga ko. Sabi nga nila, if you're marrying a damn famous and handsome billionaire you have to look and act like it.
"I'm buying everything that's in this side of the shelf so move away." Nakaangat ang gilid ng labi ko. Aba, lumalaban ng tingin. Ako pa ba!
"Do you have any idea how much a single lingerie costs here?" mataray na bwelta sa akin ng isa. Nasa likuran ko si Rushell at nararamdaman ko ang pagvibrate ng lungs niya sa pinipigil na tawa.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...