45. Sweet Honesty

48.8K 1.5K 141
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko alam kung saan nagpunta si Cole dahil hindi ko siya mahagilap sa buong kabahayan. Iwanan ba ako! Suot ko ang oversized T-shirt niya, walang panloob dahil tinatamad akong mag-dyer ng undies ko. Ang sabi niya sa akin darating ang tao niya sa hapon para magdala ng supply ng pagkain sa isla pati na rin mga damit. Nagtungo ako sa kusina upang hagilapin ang papaya at luya na sinasabi ni Atty, napangisi ako nang matagpuan ko iyon. Hilaw ba o hinog? Tsk hilaw ang meron kaya hilaw nalang.

Babalatan ba 'to? Kung babalatan ko baka nasa balat ang bisa eh di wala ding silbi, kaya naman hinugasan ko nalang iyon, nilagay sa blender, at para mas matapang ang resulta hinalo ko na din ang luya. Napakislot pa ang ilong ko nang buksan ko iyon at amoyin. Walanghiya parang lasang karma ito ah. Pero para sa kinabukasan ni mother earth kailangang lunukin! Isinalin ko ang karumal-dumal na likido sa baso saka pikit mata at takip ilong na ininom ko iyon.

Hindi ko pa man natatapos lagukin lahat ay pumasok si Cole sa kusina. Inasahan kong yayakapin niya ako pero dinedma ako ng kambing! Parang walang nakita! Kumuha siya ng apple mula sa fridge, sinandal ang pang-upo sa granite kitchen counter at tumitig sa akin habang kinakagat ang mansanas. Gwapong-gwapo ako sa Engineer ko sa anggulong iyon. Nakasuot siya ng manipis na white shirt, kitang-kita ang lalaking-lalaking neckline, bakat ang matipunong kaha at obvious na obvious ang ganda ng porma ng magkabilang braso. Ang tikas ng mga hita na natatakpan ng lumang pantalon. He stood there like an unforgiving warlord of perfection.

Inapula ako ang init na pilit na umaakyat sa ulo ko mula sa kaibuturan ng aking pagkababae. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa kunot niyang noo at sa madilim na anyo ng mukha niya.

"Masarap ba...ang mansanas?" tanong ko. Humarap ako sa kanya. Wala akong pakialam kung kitang-kita na ang ebidensya ng arousal ko sa naninigas na toktok ng dibdib ko.

Hindi niya ako sinagot, nanatili lang ang matalim na titig, feeling ko nakakabutas na iyon ng ulo. Ramdam ko ang init ng singaw ng aura ni Cole imbis na masindak mas lalo akong hinahatak palapit.

"Patikim?" bulong ko. Hinuli ko ang apple na isinubo niya sa bibig niya, nang tanggalin niya iyon halos wala nang pagitan ang labi namin. Gusto ko nang pumikit sa amoy mansanas na singaw ng kanyang bibig. Parang naging alak iyon sa dila niya. Nakalimutan kong amoy nakakasukang luya ang bibig ko! "Galit ka ba? Nakakunot-noo ka? What's wrong sweetheart?"

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon