Mahilig ka bang humingi ng sign kay God kapag may tanong na bumabagabag sayo?
Ang tanong alam mo ba paano i-interpret ng maayos ang sign?
Sundan ang susunod na kabanata sa buhay ng malandi nating Architect. Hahaha
Habang palabas ng restaurant lumilipad ang utak ko. Problema pala talaga ang lalaki. Pero di ba marami namang mayayaman ngayon na gumagamit ng IVF, artificial insemination, sikat na 'yon ngayon sa mga taong desperadong magkaanak. Healthy naman ang matris ako, kahit anong mangyari hindi ako ipagkakanulo nito. Tapos marami nang exclusive na clinic ngayon ang nagbebenta ng sperm. Kumalma ka Isabel, madali lang 'tong problema mo. Binigay na ng tadhana ito sayo 'wag mo nang sayangin. Ang motto mo sa buhay ay try and try until you die. Hanggat may buhay may pag-asa!
Lord, give me a sign! Kung may lalaki Kang itinadhana para sa akin ipakita mo na siya sa akin ngayon, dahil ngayon na ngayon ko na siya kailangan. Kung wala naman, kung itinadhana akong mag-isa, ok lang, basta payamanin Niyo ako. Ibigay Niyo na sa akin ito.
"Aray!" Napamura ako, nabunggo ko ang glass door ng restaurant dahil tuloy-tuloy ang lakad ko at wala sa daan ang atensyon ko. Halos umikot ang mundo ko, nahilo pa ako dahil sa pagkakauntong ng noo at buong mukha ko sa makapal na salamin ng restaurant. Dahil nawalan din ako ng balanse, alam kong babagsak ako sa sahig, napatili ako at napapikit. Pero hindi nangyari iyon dahil may bisig na sumalo sa akin. Hawak niya ako sa beywang, at sapo sa likod.
"Hey, are you ok?"
Tanong ni Atty. Lacuesta na bahagyang nakakunot ang noo sa pag-aalala. Lord, ang sabi ko give me a sign. Wala akong sinabing give me a bukol and a pilay. Pero teka...ito na ba ang sign? Pinapakita Mo na sa akin kung sino ang nakatadhana sa akin? Ang bilis naman ng sagot Mo, Lord. Express! Napalunok ako, hindi pa man ako nakakabawi, ay may humila nang bigla sa braso ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakasandal sa matigas at matipunong katawan ng isa pang lalaki.
I instantly recognized the other man's scent. Halos magdikit ang labi ko sa leeg niya.
"Tumayo ka ng maayos, ang bigat mo." bulong niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Itinukod ko sa sahig ang dalawang paa ko para suportahan ang sarili ko. Ang nangyari nabangga ako sa pinto, nasalo ako ni Atty. Lacuesta, pero buong kababalaghang iniluwa yata ng isang malaking black hole si Engr. Cole Ramirez, hinablot niya ako mula sa butihin at gwapong abogado.
"Anong ginagawa mo dito?" salubong ang kilay na tanong niya. Tapos ay matalim ang matang sumulyap kay Atty. Lacuesta. Ano na nga ulit ang pangalan ng abogadong ito? Rayver? Raymar? Blu-Ray? Ray Ban? X-Ray?Ray-uma? Ahh, alam ko na. Raymond. Balik kay Cole. "Sino siya?" sunod na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...