Anong masasabi ni Isabel kay Naomi?
Eh kay Cole?
Sundan ang susunod na kabanata. Haha. Comments please:)
Ilang beses akong napahigit ng hininga, hindi mawala sa isip ko ang paghalik ni Naomi kay Cole na tila nagpawala ng katinuan niya. He was clearly pushing her away for some reason, matalim ang tingin niya sa babae na para bang napakalaki ng kasalanan nito sa kanya pero bakit nang hinalikan siya ni Naomi, nablanko siya? Ang galit na nasa mga mata niya ay napalitan ng lamlam. Naging makulimlim ang buong mukha niya na para bang nasasaktan pa rin siya. Isa lang ang naiisip kong rason, minahal ni Cole si Naomi. Minahal o minamahal hindi ko masabi, ang sigurado ako ay may ginawang kabalbalan kay Cole ang babaeng iyon.
I couldn't bear to see him sad like that. Parang ako ang nasasaktan, parang ako ang nagagalit. Napahawak ako sa leeg na hinalikan niya, akala ko pa naman 'yon na 'yon eh. Bibigay na siya. Hindi pa pala. Ang tanong ko nga kelan? Kailangan ko nang maisagawa ang plano ko, kailangan nang may mangyari sa amin, kailangan ko nang mabuntis para makalayo na ako sa kanya. Dahil alam kong kapag pinagpatuloy ko pa 'tong kahibangan. Baka makagawa ako ng isang malaking katangahan na alam kong pagsisisihan ko lang. Si Cole ay isang uri ng roller coaster ride, naroong iaangat ka, ibabagsak ka, papaikot-ikotin ka. Ikaw naman dalang-dala, excite na excite todo sigaw pa sa tuwa, pero alam mong pagkatapos ng oras niya sayo, titigil siya upang magsakay ng ibang pasahero. He's a man of the world, I could never have him for myself. I needed to learn to live by the moment, seized every opportunity I have with him, because at the end of the day, no matter how I hold on to him,he would still get away.
Kaya naman, pinangako ko sa sarili ko na anumang personal at malalim na damdamin na meron ako kay Cole, itatago ko nalang iyon sa likod ng puso ko. Get your head in the game, Isabel. No more distractions. No more drama. Focus to the goal, win it. Own it.
"I have always been wondering where Cole goes whenever he's not home. Dito ko siya sa lugar na ito madalas magpunta. Dito ka pala nakatira?" ani Naomi.
Inabutan ko siya sa labas ng bahay ko. Mugto ang magandang mukha ng babae na tila simula nang umalis sa site ay walang ibang ginawa kundi ang umiyak. Nagawa pang sundan ako sa bahay ko. "What are you doing here?"
"Stop seeing my boyfriend. Please."maigting niyang pahayag.
"Your boyfriend? I don't know what kind of relationship you have with Cole but aren't you suppose to tell him that instead?"
"Cole and I have a very deep relationship. We've been dating since middle school, I am his first love. We share each other's dreams. We have the same outlook in life, we knew from the very beginning that our souls are intertwined. Nobody makes him happy as much as I do. I may have hurt him once but I am trying to mend it now. Kung kasing babaw lang kagaya ng sex ang habol mo sa kanya, nakikiusap akong layuan mo na siya. Maraming ibang lalaki d'yan. Maganda ka naman, huwag ka nang manggulo ng isang relasyong nabuo na sa loob ng mahabang panahon."
"Wala kang karapatang husgahan kung gaano kababaw ang intensyon ko at kung gaano kalalim ang sayo. You two broke up. At least that's what Cole clearly told me. I knew from the bitter look on his face that you hurt him a lot. Hindi ako ang dapat na nilalapitan mo ngayon kundi siya. Ang sabi mo malalim na ang pinagsamahan ninyo? Do you perhaps find me a threat to that long standing relationship kaya dito ka sa akin iiyak?"
"You are not a threat. You're just a distraction. A bush in the middle of the path. Cole will never love anybody as much as he loves me. Marami na siyang sinaktan, maraming puso na ang winasak niya at alam kong dahil 'yon sa akin. Somehow, I feel like my conscience is eating me alive whenever a girl cries because of him. I feel responsible because I hurt him first and he's setting out this unconscious act of retribution to other girls. Ayoko lang na madagdagan pa kaya kinakausap na kita ngayon. Hindi ka mamahalin ni Cole, katulad ng ibang babae sasaktan ka lang niya. Hindi niya kayang magmahal ng iba."
Matalim na paghigit ng hininga ang naging sagot ko. Sa reaction ni Cole kanina sa halik niya maaring totoo ang sinasabi ng babaeng ito na malalim ang pinagsamahan nila at mahal siya ni Cole, pero ang sabihin ng patapos na walang ibang mamahalin si Cole kundi siya lang? Exaggerated naman yata. Ang puso kapag nasaktan hindi nakakalimot. Minsan pa nga nagiging manhid. Nasa stage ngayon si Cole kung saan ang puso niya ay namanhid na, anuman ang ginawa ni Naomi sa kanya, malamang matinding sakit ang dinulot niyon.
"Don't worry I know my boundaries. Hindi ako papasok sa isang bagay na alam kong talo ako. You don't have slightest right to ask me to stay away from anyone. You're not even a friend to give me unsolicited advice. Now if you badly wanna get him back after breaking him, you go ahead. Mind your own business, I'll mind mine. Ano 'to One More Chance. Feeling mo ikaw si Basha? Ikaw nalang? Ikaw nalang ulit? Hindi ako si Maja, maling pelikula ang pinasukan mo."
"Magiging masaya si Cole sa akin. Kung kaibigan ka niya, tutulungan mo kaming magkabalikan."
"Cole and I. We're not friends. Again, you got the wrong impression."
"Kung ganon, bahala kang masaktan. I warned you already, I'll get back what is mine. If you're not gonna step away, babanggain nalang kita."
"No one's stopping you. Bring it on!" taas noo kong turan.
Pikon akong pumasok ng bahay. I discarded my clothes. Tinapat ko ang sarili sa pinakamainit na temperature ng shower na kaya ng katawan ko. Sa totoo lang pakiramdam ko nagiging kontrabida na nga ako. Bakit ba ang hirap na gawing ama ng baby ko si Cole? Yun lang naman ang kailangan ko ah? Ang simple. Hindi ko naman siya pipikotin at itatali sa akin ng habang buhay. Kapag nabuntis nga ako pwede nang hindi ko ipaalam sa kanya para hindi na magulo ang buhay niya, pero bakit ganun? Bakit ang hirap??
Andito na ako eh. Nakipagkasundo na ako sa kanya at pumayag siya sa larong ito. Hindi ko na konsensya kung totoo ngang nagiging hadlang ako sa kaligayahan nila ng ex girlfriend niya. Again, I was just a phase in his life na dadaan at lilipas din.
Pagkalabas ko ng shower, kaagad kong kinapa mula sa bag ko ang nabili kong gayuma. Tama na nga ang patalastas at mga kaartehan, kung puro inarte mauubos ang anim na buwan na palugit ko virgin pa rin ang pechay ko. Pagkatapos maligo ay lumabas ako ng bahay at nagpunta sa pinakamalapit na convenience store sa village. Pag may balak, dapat may alak. Alcohol at gayuma, perfect combination! Sa gabing ito matutuloy ang plano ko, at walang makakapigil sa akin, kahit pa si Mareng Karma. Konsensya? Wala ako no'n. Selfish ako matagal na. Eh ano ngayon kung ibang babae ang mahal ni Cole? Hindi tibok ng puso ang kailangan ko, tibok ng puson!
How to find the completed version? Just Google Search : NOINK Bargain with the Rebel Heartbreaker
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...