38. Dear Karma

57.2K 1.8K 110
                                    


How deep is your Karma Isabel? :D

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

How deep is your Karma Isabel? :D

How deep is your Karma Isabel? :D

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Wag ako Cole. Kilala ko ang buong pagkatao mo, magaling ka sa ganyan eh, ang magpaasa ng babae."

"Ikaw naman magaling kang mang-husga, wala pa nga ginagawan mo na ng ending. Ngayon iiwasan mo na naman ang tanong ko?" diretsong turan ni Cole.

"Ano bang gusto mo ang umasa ako? Umasa akong sa lahat ng mga babaeng magaganda at mayayamang dinate mo ako ang bukod tanging seseryosohin mo? Kung teenager at delusional ako maniniwala pa ako eh. Pero nasa totoong mundo ang utak ko, alam kong kahit na abot kamay kita hindi kita abot!" sa bandang dulo pumiyok ang boses ko. Pigil na pigil ang paghinga ko dahil anumang oras iiyak ako at ayokong gawin sa harapan ni Cole iyon.

"Ano bang kailangan mong abutin, andito ako oh. Nasa harapan mo, ni hindi mo kailangang tumingkayad o tumingala dahil andito ako. Tumingin ka lang ng diretso Isabel, ang hirap sayo ang likot nitong baboy mong ulo kung saan-saan nakatingin!" ikinulong niya sa mga kamay ang mukha ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa palad niya sa magkabila kong pisngi. Amoy ko ang natural na amoy ng pawis at perfume sa balat niya, amoy ko ang mabangong hiningang nagmumula sa bibig ni Cole dahil sa lapit namin sa isa't isa. Nang tumitig ako sa mga mata niya maningning ang mga iyon at nangungusap. Walang kasing busilak. Kagaya ng mga salitang lumabas sa bibig niya. "Ngayon sabihin mo sa akin, ano ba tayo? Ano mo ba ako?"

Ilang beses akong napalunok. Parang latigong paulit-ulit na lumalatay sa puso ko iyon. Bakit? Kasi masakit, kasi totoo at buo. Kasi walang halong mantsa, walang halong motibo ang mga salitang iyon. Alam ko sa puso ko nagsasabi si Cole ng totoo. Kagaya ng sinabi niya mataas ang respeto niya sa akin, sa kabila ng lahat ng pang-aakit, sa kabila ng lahat ng kalokohan at walang-kwentang mga pinaggagawa ko.

"Gusto kong marinig mula sa bibig mo kung ano tayo.." giit niya na para bang nakadepende ang buong lakas niya sa sagot ko.

Pilit akong kumawala pero pinigilan niya ako, pinaikot niya ang braso niya sa beywang ko at ikinulong ako sa bisig niya.

"Cole..ano ba.."

"Sabi mo kilala mo ang buong pagkatao ko? Well you're wrong. Kilala mo ako noon, pero hindi na ngayon. Nagbabago ang tao. One day, you will meet someone in your life who will change you. He or she will reset all your beliefs, your ways, and the way you are programmed. He or she makes you a brand new person without even knowing it. The process is gradual almost unnoticeable, but when you finally noticed, you'll see that there's no going back. Kahit anong pilit mo, hindi mo na maibabalik sa dati ang sarili mo." aniya. Pinilit kong kumawala sa kanya, ginamitan ko na ng pwersa, hindi na ako pumayag na makulong sa yakap niya. Dahil kung hindi ko paglalabanan, matutunaw ako. At mali. Maling-mali.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon