43. Legally Binding

48.2K 1.6K 81
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Igisa ang bawang, sibuyas red and green pepper sa umuusok na kawali. Igisa ng maigi para lumabas ng husto ang tunay na katas. Saka lagyan ng manamis-namis at malapot-lapot na ketchup at liver spread. Shit. Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan si Cole na magluto sa loob ng kumikinang niyang kitchen na puro silver ang gamit. Nasa labas ako, nakaduyan sa pagitan ng malalaking puno, nakikita ko siya dahil floor to ceiling ang glass ng isang bahagi ng kusina niya. Nakasuot siya ng apron, nakalabas ang matitibay na mga braso, nakaumbok ang pwetan.... ang sarap.

Alam kong mabango ang niluluto niya pero alam ko din na mas mabango siya. Ang sarap niyang panoorin habang abalang-abala sa ginagawa niya. Ganoon si Cole, anuman ang gawin nito, pagluluto man ng ulam o pagsisiyasat ng blueprint buong-buo ang atensyon nito at walang makaka-agaw niyon. Napangiti ako, kinikilig ako kapag naalala ko ang mga salitang binitawan niya kagabi at ngayong umaga. Nasa akin ang buong atensyon niya. Para pa rin akong nananaginip. Sana hindi lang ito tatlong araw, sana mas matagal pa doon. Parang ang hirap bumalik sa realidad ng buhay kung ganitong naramdaman mo na kung paano makatakas. Nalasahan mo na kung ano ang kahulugan ng salitang langit at paraiso.

Hindi ako sigurado kung hanggang kelan ako gusto ni Cole. Hindi ko masasabi na panghabambuhay ang relasyong ito dahil base sa mga nakaraan niyang relasyon, dalawang linggo lang tapos na siya sa mga ito. Ayokong itanong kung anong level kami, ayoko na ding mag-isip ng advance, kung ano nalang ang ihain ni Cole tatanggapin ko nalang. Ayoko na ng komplikado. Kung pansamantala lang ang lahat ng ito, gusto kong lubusin at sulitin dahil alam kong hindi ko na muling mararanasan ito sa kahit na kanino. Si Cole lang ang mamahalin ko ng ganito, sigurado ako doon.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon