47. Scared

43.2K 1.4K 102
                                    


Nakapwesto ang upuan ko pinakamalayo kay Cole. Samantalang bilang representative ng kliyente naroon si Naomi sa pinakamalapit na upuan sa kanya. Hindi kayang itake ng apdo ko ang kalandiang hatid niya sa paligid na tinatangay ng aircon sa akin. Alam kong wala ng space sa pagitan ni Naomi at Cole. Pero hindi ako papayag, syempre gagawa ako! Kahit pa magbukas ako ng portal sa noo ni Naomi gagawin ko!

Pasimple kong tinulak ang kape na gawa ni Naomi para kay Cole at pinalitan iyon ng tea na hawak ko. "Excuse me. Hindi umiinom ng ganyang klaseng tea si Cole. Sasama ang tiyan niya." ani Naomi.

Ngumiti ako ng mapait dito. "Ito na ang bagong favorite ni Cole ngayon Naomi. Hindi ka nainform na iba na ang mga gusto niya simula nang magkahiwalay kayo?"

"Hindi magbabago na ayaw ng sikmura ni Cole niyan." giit pa rin nito. Binalingan ko si Cole. Pinilit kong pagkasyahin ang upuan ko sa tabi niya. Pasimple kong nilapit ang bibig ko sa tainga niya.

"Sisikmuraan ko 'tong babaeng 'to kapag hindi mo ininom 'tong tea na 'to!"

Lihim na tumawa si Cole. Inabot ang tea na hawak ko at ininom sa harapan ni Naomi bago pumunta sa harap upang simulan ang meeting. Gusto kong tumayo at mayabang na magpagpag ng kamay sa harap ni Naomi. Ano ka ngayon ha?

Nagsalita si Cole sa harapan ng mga kapwa ko Architect at mga project Engineers samantalang panay ang baba ng suot na damit ni Naomi parang gusto nang lumabas ng dede niya sa lalim na kurba ng neckline niya. Ngali-ngaling ingudngod ko ang mukha nito sa mesa.

"Is it true? You're going to take over the R&R operations and management?" biglang singit ng isang Engineer na naroon. Brainstorming ng mga latest building concepts and designs ang topic pero bigla nitong inangat ang bagay na iyon.

Hindi sumagot si Cole. Pansin ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya halatang hindi nito gustong sagutin ang tanong. Ibubuka ko palang ang bibig ko nauna na si Naomi na ngumawa.

"You're off the topic Mr. Mendez, lets talk about it some other time. The announcement should come from the Chairman himself."

"We we're just worried about certain things now that the issue was brought up. Alam nating hindi maganda ang kalusugan ng Chairman, we have to accept the fact that even though we have the best people in the company, once the public discovered the Chairman's health condition right now, bababa ang rank ng R&R sa stock market.."

"Pero kung malalaman ng tao na ikaw Engr. Nicholas Ramirez ang sole successor ng company..maaring dumoble pa ito. You have an excellent track record and credentials on your own. Your name alone can build up the company's worth." singit naman ng isa.

"I haven't made my decision yet." wika ni Cole. Tumingin siya sa akin. Napa-inom ako ng tubig at nag-iwas ng tingin. Bakit ganun ang tingin niya sa akin? Ako ba ang magdedesisyon para sa kanya? Jusko, girlfriend lang ako. Fling lang nga yata. Pero makatingin siya parang hawak ko buong buhay at pagkatao niya.

"Cole is a very busy man. He has a lot of commitments from different clients all over the world and the management knows that. He won't be stuck here for a long period of time, he'll need to eventually leave the company. His stay here is just temporary." singit ni Naomi feeling girlfriend na feeling madaming alam tungkol kay Cole.

"That's not a decision for you to make Ms. Kurtz, why don't you let Engr. Ramirez talk. You're not his spoke person, are you? But you know what, you're right. Let's discuss this some other time." hindi ko napigilan ang sumingit. Nakatungo ang ulo ko at nakataas ang kilay.

Tiningnan ako ng masama ni Naomi. Sinalubong ko iyon ng diretsong titig. Wala akong pakialam kung mas maganda ang pagkakaapply niya ng make up sa mukha niya at kung mas magandang tingnan ang balangkas ng katawan niya sa sexy niyang corporate outfit. Alam kong hindi kami magkasing haba ng legs pero kung dibdiban lang naman ang labanan, llamado ako. Akala mo ikaw lang ang may kayang magbaba ng neckline hanggang sa ganyang level? Hinahamon talaga ako eh. Buhos na buhos ang atensyon ko sa pang-iinis na ginagawa sa akin ni Naomi. Ni hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon