23. Sa Ngalan ng Ginto

73.1K 2.2K 141
                                    


The hours in the office passed in a blur

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The hours in the office passed in a blur. Nagawa ko ng mabilis ang mga trabahong naka-assign sa akin habang ang utak ko ay panaka-naka bumabalik sa usapan namin ng abogado ni Eleanor. The old woman had a special agreement she wanted to deal with pero wala man lang pakonswelo sa presensya niya. Kailangan pang ang abogado niya ang harapin ko. Ganoon na ba talaga ako kadumi at nakakadiri sa paningin niya?

"Are you ok?" tanong ni Cole nang pumasok ako sa opisina niya at ilapag ang mga dokumentong hinihingi niya.

Walang gana akong tumango. "Do you need anything else?"

Umiling siya. "Saan ka nanggaling kanina? Nauna pa akong nagtime in sayo."

Tiningnan niya talaga ang log ko sa biometrics? May time siyang siyasatin iyon samantalang busy'ng busy siya nakikipaglandian. Ibang klase talaga ang radar ng isang ito. Hindi ko alam na ang function pala ng dalawang sungay sa ulo ng mga kambing ay antenna.

"I'm sorry. I had a personal matter to attend to."

"I am your immediate manager, you should have informed me ahead of time if you have an emergency."

"I'm able to do all the task assigned to me today, Engr. Ramirez. I'm sorry I didn't give you notice for my tardiness but I was able to deliver everything I was expected to do today."

"I don't care whether the job is done or not. That's a different side of the story. The reason why we have log sheets is because you have a daily shift to follow."

Hindi ko alam kung bakit ginagawa niyang big deal ang pagiging late ko eh nagawa ko naman lahat ng trabaho ko.

"I understand Sir. If you'll excuse me, I need to go back to my office now."

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tiningnan niya isa-isa lahat ng pinasa ko sa kanya. Halos mangawit na ang paa ko kakatayo sa harap niya, hindi pa rin niya ako binigyan ng permisong umalis. Hanggang sa marating niya ang kahuli-hulihang pahina ng report ko saka lang siya sumenyas na pwede na akong lumabas. Damn! Nakakainis talaga! During office hours parang halimaw na gutom 'tong kambing na 'to!

Nagkita kami ni Atty. Lacuesta sa isang cafe malapit sa subdivision ko. He was young, late twenties or early thirties ang edad nito, moreno at maganda ang tindig, kamukha siya ni Jm de Guzman sa malapitan. In fairness kay Eleanor, hindi man siya nakarating at least pleasing sa eyes naman ang taong pinapunta niya. Umangat siya sa upuan nang makita ako. Alam niya kaagad na ako ang katagpo kahit hindi ako nagpakilala.

"I'm Atty. Lacuesta, nice meeting you Ms. Funtalva." inabot ko ang kamay niya. Bahagya niyang pinisil iyon at malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"Nice meeting you as well, Atty. Lacuesta. " sabi ko. Kinalma ko ang sarili ko pero kinakabahan pa rin talaga ako ng husto. Gusto kong umasa na may magandang balita siya sa akin pero ayokong mag-assume dahil baka masaktan na naman ako.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon