Dahil sa sobrang kahihiyan ko sa sarili, I decided not to wait for Cole anymore. Mag isa akong lumabas ng penthouse niya, sumakay ng taxi at dumiretso sa opisina. Along the way dumaan ako sa department store upang bumili ng bagong damit. Ayokong mag-ulit ng damit sa opisina dahil bukod sa baka isipin ng mga katrabaho kong naghihirap na ako (which is totoo naman) ay baka kung ano pa ang masamang tsismis na lumabas mula doon. Alam ko ang kalarakan ng mga professional na tsismosa, hindi nila kailangan ng apoy para may umusok, maghahabi sila ng kwento base sa kung anong nakita nila at sky is the limit na ang imagination nila!
Paano kapag nalaman sa opisina ang kahihiyang pinaggagagawa ko? Mas masahol pa ako sa malanding janitress na nagnakaw ng picture ni Cole para dalhin sa probinsya at ipagayuma! Muntik na akong maghubad sa harap niya, tapos libre! At wala siyang ideya kung ano ang ginagawa ko. Shit! Pa'no kung naghubad nga ako? Nag-echo sa utak ko ang mga pasaring niyang baboy ako. Holy-fucking-pig! Baka ipakatay niya ako at ibenta ng per kilo.
Shit! Shit! Shit! Namumula pati ang gilagid ko sa sobrang kahihiyan. Konswelo ko nalang hindi ko vinervalized sa kanya ang interpretation ko sa trabahong pinapagawa niya, kundi bigti.
Tanghali na nang makapasok ako sa opisina. Taas noo ako kagaya ng dati. Siniguro kong walang gusot sa itim na blazer ko, sa kulay cream na silk blouse at pencil cut skirt na suot ko. Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko, mas matindi pa kay Arianna Grande. Pinapula ko ng husto ang mga labi ko at ginamitan ko ng malalang eye shadow ang mga mata ko para magmukhang smokey at classy. Bawat isa sa mga empleyadong nadadaanan ko ay yumuyuko sa akin. Pagdating sa opisina isa akong kapita-pitang Architect, mataas ang breeding at sosyal ultimo pilantik ng daliri ko. Hindi sa pagmamayabang pero, idol ako ng halos lahat ng babaeng taga R&R. Para sa kanila, ako ang literal na imahe ng salitang 'success'.
Success my ass! Ni hindi ako nakapag-hi kay Captain America. At zero percent ang chance na magka-Rolex ako in the next 10 years of my life!
Palubog na ang araw nang magawa ko ang final draft. Matagal ko nang tapos iyon, hindi ko lang magawang ipasa kay Cole. Bakit ba ako kinakabahan sa opinyon niya? Dati rati naman excited akong ipakita ang ginawa ko sa mga engineers na naging kapartner ko. Ngayon kulang nalang mangatog pati dulo ng buhok at kuko ko sa kaba! Mamaya na nga lang.
Inopen ko ang browser ng computer ko. Ginoogle ko kung ano ang waistline at bustline ng mga kawayang international supermodel sa TV. 'Yung kahulma nina Leila at no'ng babaeng nakita kong kahalikan ni Cole. Nang lumabas ang resulta napamura ako. Height na 5'9" ang minimum tapos bust line na 34? Waistline na 24? Kumpara sa 27 na waistline ko at 30 to infinity and beyond na bust line ko? Napabuntong hininga ako. Ano 'to isang butil ng kanin ang kakainin ko araw-araw? Pambihira. Kalokohan! Inis kong isinara ang browser.
"Madam, kanina pa po tumatawag si Sir Nathan." ani Cherry nang pumasok.
"'Di ba sabi ko iblock mo ang number niya dito sa office?"
"Iba-iba pong number ang gamit niya. Umuusok na po ang telepono ko, hindi na ako makatawag sa mga kliyenteng binigay niyo."
"Damn it!"
"Madam, hindi po ba kayo naaawa sa kanya?"
"Bakit ako maaawa eh niloko niya ako?" taas kilay ko kay Cherry.
"Niloko po kayo?" halos hindi makapaniwalang tanong niya.
"Just do what I asked you to do Cherry. Tsi-tsismiss ka pa eh!" Ipakulam kita d'yan.
"Madam. Normal na ho ang maloko ng lalaki sa panahon ngayon. Hindi na bago. Wala nang interes pati mga tsismosa doon. Si Engr. Cole nga ang daming pinapa-iyak na babae on a daily basis! Ginagawa niyang ulam ang mga magagandang supermodels, iba-ibang putahe every meal, Madam!
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...