"Sa'n ka nakatira?"
Irap ang sinagot ko sa kanya. Pinagpilitan niyang isuot ko ang seatbelt, halos kumiskis ang dibdib niya sa dibdib ko ng ginawa niya iyon. Pigil na pigil ko ang paghinga ko. Para matapos nalang ang araw na ito at makauwi na ako ng mapayapa sa bahay ko ay sinabi ko na kung saan ako nakatira. Umangat ang gilid ng labi niya, sumuko ako at panalo na naman siya. I must be crazy. This man was practically a stranger and I allowed him to take me home in this dark rainy evening.
"See? If not for me you were soaking wet already." he chuckled when it started raining. It was a wholesome sentence but the way he said it..gave the poor words a totally different meaning.
Humalukipkip nalang ako, binaling sa bintana ang mga mata at pilit na winaglit sa ilong ang kakaibang bangong nagmumula sa katabi. Hindi ko inaasahan na sa pagbaling kong iyon, nakita ko si Nathan papasok sa isang first class restaurant. Nakasuot ito ng itim na dinner suit at nakakawit sa braso ang isang maganda at balinkinitang babae.
"Stop the car!" kaagad kong utos kay Cole.
"What's going on?"
Nang ihinto niya sa gilid ng daan ang kotse patakbo akong bumaba upang sundan ang pintuang pinasukan ni Nathan. Ang sabi niya hindi niya ako masusundo dahil nasa probinsya siya, anong ginagawa niya dito sa syudad kasama ng babaeng mas payat pa sa kawayan ang katawan? Nanginig ang buong kalamnan ko, ayokong mag isip ng masama. Mahal ako ni Nathan, ramdam ko iyon. Hindi niya ako magagawang lokohin ng ganito. Isa pa, maayos kami at wala kaming anumang hindi pinagkakaunawaan. Siya lang ang lalaking nakakaintindi sa akin at sumusuporta sa lahat ng gusto ko. Imposibleng pagtataksilan niya ako.
"Excuse me Ma'am. Your reservation, please?" harang sa akin ng isang lalaking staff bago pa man ako makapasok ng pinto.
"I don't have one. Walk in."
Napakamot ito sa ulo. "Fully booked na po tayo eh."
"I just need a minute. I thought I saw someone I knew just went in."
"I'm sorry Ma'am but we can't let you in without the reservation. Restaurant policy." magalang na sabi ng staff ngunit ramdam ko ang pagbaba ng tingin niya sa damit ko na para bang hindi nababagay iyon sa lugar na ito. I wished I wore the most expensive suit I had this morning. Pero dahil bibisita kami sa site, isinuot ko ang may kalumaan ko nang damit.
Dumukot ako ng isang libong bill sa bag ko at inabot iyon sa staff. Pero umiling ito na nakataas ang noo. Para bang ang liit ng isang libo para dito. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, ibig sabihin advance na nagpabook ng reservation si Nathan sa lugar na ito at hindi man lang binanggit sa akin? Malapit nang bumaluktot ang tuhod ko sa halo-halong emosyong naramdaman ko. Nakaharang ako sa daan kaya naman nang may isang pares ng customer ang dumaan ay nabangga ako sa balikat at muntik nang mawalan ng balanse. Kundi lamang may maagap na kamay na pumaikot sa balikat ko para suportahan ako.
Kilala ko ang dalawang iyon. Mga magulang iyon ni Nathan. Si Mr. and Mrs. Villasanta. Nandito na sila sa PIlipinas?? Hindi rin sinabi ni Nathan? What the hell is going on?
"Are you ok?" si Cole ang sumalo sa akin. Nakadikit sa dibdib niya ang likod ko. Umiling ako sa tanong niya. Ilang beses akong napakurap habang sinusundan ng tingin ang matandang mag-asawa. Hindi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari.
"Ano bang kailangan mo sa loob? Nagugutom ka?"
"Please, let me in. Give me five minutes, please. Please." baling ko sa staff. Pero sunod-sunod lang ang iling nito.
Narinig ko ang paghangos ni Cole na halatang naiinip na. Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Ang mga luha ko sa mata anumang oras ay tutulo na at hindi niya pwedeng makita iyon.
"Iwan mo na ako dito." sabi ko.
Tiningnan niya ako ng maigi na para bang binabasa ang mukha ko. "I have a reservation for two." aniyang nakatingin pa rin sa akin.
"Your name, Sir?"
"Nicholas Ramirez."
Naningkit ang mata ko kay Cole, totoo bang may reservation for two siya sa restaurant na ito?
"I'm sorry, Sir but I think there's a discrepancy. You're not in the list-"
"Double check it with your Boss then. I'm Nicholas Ramirez of R&R International." he said with an audible command in his voice.
Hindi nagdalawang isip na sumunod ang staff. Itinawag nito sa maliit na bluetooth device na nasa tainga ang eksaktong inutos ni Cole.
"I'm sorry. This way, Mr. Ramirez." anitong nakayuko ang ulo.
Malapad ang ngiting binigay sa akin ni Cole. "After you, bonita."
Hindi ako nag aksaya ng panahon. Although the staff gave us the most private and the most beautiful dinner table inside. Iba ang hinanap ng mga mata ko. Hindi ganoon kaliwanag sa lugar. Malamlam ang kulay puting liwanag na nanggagaling sa isang malaking chandelier. Maraming tao ngunit may kanya-kanyang partition ang bawat mesa. Hindi ko kaagad namataan ang mesa ni Nathan.
Samantalang si Cole, nakapag-order na ng pagkamahal-mahal na wine at nakangising nakatitig sa akin.
"This is my first romantic date here in Manila. Hindi ko akalaing ikaw ang kasama ko, Architect. Hindi ka ba masaya?" alam kong inaasar niya lang ako. I glimpsed at his stupidly handsome face, at napako na naman ang tingin ko sa kanya. Pinagmasdan kong amoyin niya ang wine, paikotin sa kopita at lagukin. The movement of his lips and his Adam's apple gulping the wine was pure theatrical fantasy. Nauhaw ako. Suddenly I wanted to taste the wine from his mouth and drunk from it.
Only that I had a mission and it didn't include fantasizing Engr. Nicholas Ramirez. Habang ang boyfriend ko ay may kasamang magandang babae at kasalukuyang kaharap ng mga magulang nito.
"East wing, third table from here. Sa tingin ko nando'n ang hinahanap mo." aniya.
Nilingon ko ang table na tinutukoy niya. Nakita ko si Nathan na nakikipagtawanan kasama ng mga magulang nito at ng babaeng katabi. Gusto kong panghinaan ng loob. Pero bakit ba? Ano bang mawawala sa 'kin?
"Naduduwag ka?" tudyo ni Cole. He knew what was going on all along!
"Ako ang girlfriend niya! Ako dapat ang nakaupo sa table na 'yon!" nanggigigil kong sagot.
"That's what I thought." komento ni Cole na may kasamang ngisi at kindat. "Now, go. Claim what's yours. " Binigay niya sa akin ang alak na hawak niya. Tinungga ko iyon sa isang lagukan saka ako tumayo. Inayos ko ang damit at buhok ko, bago binuga ang hangin na naipon sa dibdib ko.
"Hey, whatever happens. I don't wanna see tears, Architect. I hate it."
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...