Chapter 4. Charmed Existence

126K 4.1K 258
                                    


COLE

Nang makapasok ako sa loob ng opisina ng Vice President kaagad kong sinara ang pinto. I had something to tell my uncle at hindi ito pwedeng marinig ng kahit na sino.

"Cole, si Isabel nandyan na?" si Engr. Leo Ramirez ang Vice President ng kompanya, kapatid ng mommy ko.

"She's outside." I said. "I have something to tell you."

"Alright, what is it Nicholas?"

"Do not tell anybody who I am. I want to work my way up and I don't want any unnecessary and unearned compliments every time. Napag usapan na namin ni mommy 'to, gusto ko lang ipaalala sa inyo Uncle."

Two months ago while I was out partying in the middle of the ocean with my brand new yacht and my brand new girls, I was told that the Chairman, Don Ricardo Ramirez was sick and needed an indefinite vacation from work. I was the only one to assume his position, my late father owned the company anyway. Hindi lang alam ni mommy pamahalaan kaya sa Uncle ko napunta pansamantala ang obligasyon, habang hindi pa ako handa. Hindi pa rin naman ako handa hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung paano iwanan ang buhay na nakasanayan ko na. O baka handa na ako, hindi lang talaga ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. Pero tang'na, ano ba gusto ko? Magparty magdamag? Magpapalit-palit ng babaeng kinakama araw-araw na parang kotse na kapag nasakyan ko na ayoko na? Bente-siete anyos na ako, nababagot na ako sa buhay ko sa Brazil, kaya naman pumayag na akong umuwi ng Pilipinas.

"Are you sure you'll start as a project engineer? You might want to assume a higher position-"

"Like Vice Pres, Uncle?"

Tumawa ang matanda. "Bakit hindi, matanda na rin ako at kailangan ko na rin ng kapalit!"

Ito ang gusto ko sa tatlong magkakapatid na Ramirez, wala silang lamangan, walang traydoran. Sila na ang tumingin at nagsilbing ama ko simula ng mamatay si Dad. Binigay nila ang buhay na gusto ko, pinabayaan nila ako sa lahat ng kalokohan at suportado ako kahit sa pambababae ko. Si mommy lang naman ang laging kontrabida sa buhay ko eh. Sabagay kung hindi dahil sa pagiging amazona ni mommy, hindi siguro ako nakapagtapos at wala sana akong trabahong pwedeng gampanan sa kompanya ni Dad maliban sa janitor. Hah! Sinong niloko ko? Hindi ko rin kaya kahit 'yon.

Hey, I love my life, walang kasing dali ang buhay. Lahat ng tao nagkakandarapang maging kaibigan ko, lahat sila gusto ng approval at atensyon ko. Life was so fucking easy for me since day one.

"No thanks, old man! You're still strong as a bull, don't give me the same crap as Uncle Ricardo's trying to pull off right now!"

"Well, sooner or later you will take over, you better be ready when the time comes Engr. Ramirez."

Whoa. That sounded a little scary. Maybe coming here was not a very good idea after all. No fun. No thrill. No excitement. Even the girls were dull.

"What happened to your phone?"

Mapait akong ngumisi. "Naapakan ng magaling niyong Architect, wasak na wasak. Hindi niya binigyan ng chance na makarating man lang ng hospital."

Gustong tumawa ni Uncle pero pinigilan niya. Kilala niya ako, alam niyang ganoon ako magsalita, pero masama ang timpla ko. This might sound cheesy, but this phone was kindda important to me in a way. Speaking of the Architect from hell, nagring ang telepono ni Uncle. Malamang ito ang tumawag dahil kanina pa naghihintay sa pinto. Base sa itsura ng babaeng iyon na nakasuot ng puting blouse, kulay navy na skirt at ponytail na mala-nag mature na Arianna Grande, tingin ko, mainipin.

"Papasukin mo na." sabi ko sa Uncle ko.

"Architect Funtalva is the best we have here. She has been an asset to the company since her junior years. Naniniwala akong if you wanna take care of your company, you should do it by taking care of your people first. Sila ang semento, ang pako, at mga kableng bumubuo sa pundasyon ng establishment na ito. Kaya Cole, I am counting you can take care of her."

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon