Chapter 2. Source of all Evil

163K 3.3K 276
                                    

Lunes, maaga akong pumasok sa opisina. Dumaan ako sa Starbucks upang kumuha ng paborito kong kape. Yup, I'm a coffee person, I cannot function without caffeine in my blood. I held the coffee on my left hand and my papers on the other. Sinalubong ako sa assistant kong si Cherry na maaga palang ay burado na ang lisptick sa bibig senyales na nakipagmake out na naman sa boyfriend nitong messenger ng kompanya.

"Good morning Architect Isabel!" matinis ang boses nitong humarap sa akin. Kaagad nitong kinuha ang listahan at inisa-isa sa akin ang lahat ng mga kailangan kong tapusin sa araw na iyon habang papasok sa loob ng aking opisina.

Hindi ganoon kalawak ang opisina ko pero puno iyon ng mga plake at parangal. Sa apat na taon ko sa serbisyo marami-rami na rin akong napatunayan. Natapos si Cherry sa litanya niya ng makaupo ako sa desk. Binuksan ko ang computer at sinimulang asikasuhin ang mga emails. I was reminded of the new projects the company had won from bids at napunta sa akin ang isa sa pinakamalalaking proyekto doon. Paborito ako ng Chairman kaya halos lahat ng magagandang proyekto ay nilalagay sa pangalan ko. Pero may isang entry sa email na nagpakunot ng noo ko.

"Cherry, hindi si Engr. De Luna ang partner ko sa next project?" nagtaka ako dahil last weekend lang na-finalized ang mga papel.

"Hindi po. Ahmm...Engr. De Luna asked for a different architect, sinabi niya sa board na kung hindi siya pagbibigyan, magreresign siya. Walang choice ang Chairman kundi hanapan ka ng bagong kapartner." nakangiwing pahayag ni Cherry. Umikot ang eyeballs ko dahil pangatlong engineer na si Mr. De Luna sa mga nag-quit sa akin. Hindi ko sila maintindihan! Sinandal ko ang ulo ko sa swivel chair.

"Sino 'tong Engr. Cole Ramirez? Bakit bigla nalang nilang binabago ang napag-usapan na? Anong silbi ng apat na oras na meeting namin last Friday kung ganito lang din ang gagawin nila?" Nagsimulang uminit ang ulo ko, lumagok ako ng kape ngunit hindi pa rin humupa ang asar ko. "Tatawagan ko ang Chairman-"

"Madam, nasa Amerika po ang Chairman, sinugod noong sabado. Nagpapagamot po."

Kumunot ang noo ko. "What? May sakit ang Chairman?" damn, I didn't know. Napasuklay ako sa buhok ko. Lunes na lunes ang sama ng timpla ng araw ko. Plus hindi ko pa alam kung saang planeta galing ang Engr. Cole Ramirez na makakapartner ko, baka mas malala pa sa mga nakatrabaho ko na. Napansin kong hindi nakikisimpatya sa akin ang assistant ko sa halip ay nakaplaster pa rin ang ngiti sa bunganga.

"Ano? Ba't ngiting aso ka d'yan?" usisa ko.

"Inspired po Mada'm!"

"Bakit? Ikakasal ka na? Buntis?"

"Mada'm naman." Hindi pa rin mawala ang pagngisi nito. Tapos ay parang pinipigilan ang mamilipit sa kilig. "Sige na nga po aamin na ako. Nakita niyo na ba siya?"

"Sino?"

"Si Engr. Cole po, 'yong partner niyo?"

"You mean 'yong bagong engineer na ngayon ko lang narinig ang pangalan sa kompanyang ito?"

"Opo. Mada'm, ang gwapo. Sobrang gwapo! Nagtilian ang mga babae dito nang dumating siya kaninang umaga. Ay mada'm, walang sinabi si Tom Cruise, si Brad Pitt at si Piolo Pascual sa kisig at kagwapuhan niya, sobrang tangkad pa! Naku, malulusaw ang panty niyo sigurado."

"Ok". Napailing-iling ako sa babae. Tinawanan ko pa. "Alam mo Cherry, bumalik ka na sa mesa mo ha? Uminom ka ng paracetamol sa tingin ko lalagnatin ka na d'yan sa kakapantasya mo. Anong malulusaw ang panty sinasabi mo? Alam mong imposible iyon, pinasa mo ba ang Science noong nag aaral ka pa?"

"Grabe. Grabe ka Mada'm. Mas gwapo sa boyfriend mo 'yon-"

Natahimik lang si Cherry nang humalukipkip na ako at pagtaasan siya ng kilay. Minsan kailangan ng sindak nitong assistant ko eh.

"Sige Mada'm, balik na ako." aniya pagkatapos ilang beses na lumunok. Sa wakas ay natahimik ang silid ko ng tuluyan niyang isara ang pinto. Mas gwapo sa boyfriend ko pala ha? Nathan was handsome and tall and lean and very dignified looking. Sa tingin ko hindi basta-basta mauungusan ng sinuman ang itsura at appeal nito. Napailing-iling ako, si Cherry talaga. Lahat naman ng lalaking may abs gwapo para dito eh.

Matapos ang kalahating oras na pagsagot ko sa mga email pinindot ko ang intercom upang utusan si Cherry na dalhin sa akin ang pinatago kong mga papeles noong biernes. Naroon ang profile ng bago kong kliyente at kailangan kong pag aralan iyon. Isa sa mga sekreto ng pagiging isang magaling na Architect ay kailangang kabisado ang lahat ng paborito ng kliyente, doon kasi nagsisimula ang obra mo. Pero nakakailang tawag na ako kay Cherry hindi ito sumasagot. Nag ipon ako ng hangin sa baga at inis na ibinuga iyon. Ayokong magalit buong maghapon, nasira na nga ang umpisa ng araw ko, ayoko nang dagdagan pa.

Kalmado akong lumabas ng silid ko at hinagilap sa malawak na production floor ang assistant ko. Ilang ikot ng mata ang ginawa ko bago ko nahagip ang isang di pamilyar na mukha sa loob ng opisina. The man wore a gray colored cotton shirt underneath a flashy black leather jacket. Then a dark blue denim and converse shoes to match. That suit definitely was out of place especially if it's Monday ang everybody was in their formal business attire. Nakatagilid ang lalaki sa akin, pero sapat na para makita ko ang mahaba niyang balbas magmula sa dulo ng tainga hanggang sa ilalim ng baba. Nakatali ang buhok nito na tingin ko ay abot balikat ang haba. He had a pair of light brown eyes that were sparkling and almost golden. His nose was straight and striking, his jaw had an intense angle that made him look like a bad boy rebel from every girl's wild west fantasies. And have I mentioned the mouth yet? They were luscious and...very, very promising.

Natapilok ako sa high heels ko kahit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan. Anong ginagawa ng ubod ng gwapong lalaking ito na mukhang brutal na Spartan warrior sa loob ng opisina ng R&R? Ito ba ang bagong image model ng kompanya? Siguro nga. Pero hindi ito dito pwede sa production, ilan sa mga hawak ng mga empleyado sa bawat cubicle ay naglalaman ng confidential information! Umangat ang kilay ko, komportable itong nakaupo sa lamesa ng isang empleyado habang pinapalibutan ng hindi ko mabilang na mga babae. Hindi ko alam ang pinag uusapan pero halatang sanay na sanay ang isang ito sa presensya ng maraming eba. I knew the likes of him, I have seen and encountered a lot of his types in high end strip clubs and discos. Definitely a womanizer, and a heartbreaker! Ang mga lalaking kagaya nito ay magaling mambola, magaling magpaikot ng ulo, at higit sa lahat magaling na magaling sa kama. Magaling humalik, magaling sumisid, magaling bumayo. Ito ang klaseng hindi ka titigilan hanggat hindi ka sumisigaw ng darna--

"Mada'm? may kailangan kayo?"

Fuck.

Napakurap ako. Ano 'yon? Saan galing ang mga iyon?? Saan galing ang mga katagang iyon sa utak ko na ni hindi ko pa nababanggit sa buong buhay ko? Dumapo ulit ang tingin ko sa lalaking puno't dulo ng lahat ng makamundong kasalanan. Nagtama ang mga mata namin ng humarap siya sa akin. Mas lalong naging ginto ang mga iyon sa paningin ko. Umangat ang gilid ng labi niya, he bared his perfect teeth a little, and for one fuck instant I thought I was inside a red room surrounded by mirrors, by whips and by chains. The goddamn source of all evil just smiled at me.

"Mada'm?" ulit ni Cherry.

Ilang beses kong sinapak ang sarili ko sa utak, ayaw gumana ng naninigas kong utak at pagkababae. Punyemas!

 Punyemas!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon