12. For the Love of Rolex

68K 2.1K 225
                                    



Nang idilat ko ang mga mata ko, parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Tanghali na? Maliwanag na sa labas, nakikita ko iyon mula sa siwang ng makapal na kurtina. Ilang segundong blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari bakit masakit ang ulo ko, bakit hindi pamilyar sa akin ang kulay ng kurtina, at kung bakit tila may mabigat na nakadagan sa puson ko.

Something beside me moved. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla ang pagpitik ng lahat ng memorya ko at pagbalik sa akin ng aking nawawalang huwisyo. Napabaling ako sa gumalaw na iyon, hindi nga ako nagkamali. Nasa ibabaw ako ng kama, hindi ko alam kung may saplot ako sa ilalim ng kumot dahil hubad ang balikat ko. Tapos may palad na nakapatong sa puson ko, konting-konti nalang makakarating na parteng iyon kung saan naroon si mother Earth ko! Una kong nasilayan ang malapad na balikat niya na, papunta sa masaganang muscle sa braso, papunta sa masarap na Adam's apple, hanggang sa mas masarap na namumulang mga labi....

"Cole!" sigaw ko.

Naalimpungatan siya, pupungas-pungas na bumaling sa akin. "What???"

Bigla akong nataranta, sinilip ko ang ibaba ng katawan ko, naisuko ko ba ang Bataan kagabi? Nakuha ba niya ang pearly shell of the orient seas ko?! Letse wala akong saplot maliban sa kapirasong bra at panty na tumatakip sa kahubdan ko. "Anong ginagawa ko dito? Nasa'n tayo??" hinablot ko ang kabuuan ng kumot upang makatayo sa kama. Sa ginawa ko siya naman ang nahubaran sa harapan ko. Kitang kita ko ang full show ng mga muscles, abs, triceps, biceps at kung ano-anong pang ceps sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang dumako iyon sa itim na boxer shorts niya na kung saan proud na proud, tigas na tigas at taas noo si..... si Captain America! Napatitig ako doon.

"Damn! Why don't you give the fucking comforter back!" singhal niya sa akin na sapu-sapu ang gitnang bahagi ng katawan.

"Bakit nakatayo 'yan ha? Anong nangyari sa 'tin?"

"Nakatayo talaga 'yan dahil umaga. Flag ceremony di 'ba? Anong nangyari? Wala kang maalala?"

Nagpa-flag ceremony si Captain America? Lutang ang utak ko. Kinailangan kong kumurap-kurap para lang I-absorb ang sinabi niya. Nag isip ako, hindi ko namalayan ang pag-agaw niya ng comforter na nakabalot sa katawan ko. Napasigaw ako dahil naramdaman ko ang pagtama ng malamig na aircon sa katawan ko. Nakipag-agawan ako sa kanya ng saplot hanggang sa pareho kaming nabuhol sa loob no'n.

"Do not panic, ok! Kumalma ka nga. Ipapaliwanag ko sayo kung bakit ka nandito." ani Cole na nakadikit sa akin ang hubad na katawan, gano'n din ako sa kanya. Nadurog na yata sa dibdib niya ang malusog kong hinaharap. Paanong do not panic? Kalma teh? Eh natutusok na ang puson ko ng espada ni Captain America, teka may espada ba si Captain America? Damn! I don't freakin know!

"Yong dede ko Cole..." anas ko.

Kumunot ng husto ang noo niya.

"Ang sakit na, naiipit, may bakal kasi ang bra ko..." bulong ko.

Napakurap siya ng ilang beses bago naintindihan ang ibig kong sabihin. Niluwagan niya ang comforter na nagtatali sa aming dalawa. "Remember Nathan last night? That was when all your crazy stunts started."

Nathan. Nathan. Nathan. Who the fuck was Nathan? Fuck. Hindi gumagana ang utak ko. "Galit pa ba si Captain America? Nang eespada eh."

"What?

Inginuso ko ang pagitan naming dalawa. Ang slow ni Cole, promise!

"Damn!" Tuluyan siyang dumistansya sa akin. Ngayon ay magkatabi na kami, parehong natatakpan ng comforter hanggang sa ibabaw ng dibdib. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Hindi magugustuhan ni Nathan itong ginagawa ko-

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon