Nang maghiwalay kami ni Cole sinamahan ako ng babaeng staff sa kwarto ko, inayos niya ang bath tub na paliliguan ko pati na rin ang room ko na animo'y pang reyna. Malawak ang kwartong pinagdalhan sa akin, maganda ang mga painting na nasa wall, malaki ang kama na para bang nakikita ko sa mga classic European films. May maliit na coffee table. May mahalimuyak na mga bulaklak sa isang sulok. At may maliit na library kung saan napakacomportableng magbasa at mag-aral.
Marangya at mamahalin man ang lahat ng bagay na naroon pakiramdam ko hindi pa rin kompleto. Kung gusto kong makatulog ng mahimbing, kailangan kong katabi si Cole.
"Saan ang kwarto ni Cole?" tanong ko sa babaeng nakauniporme ng itim na blouse at skirt. She hesitated for a moment pero bandang huli ay itinuro din. Nang makaalis ito, pinuntahan ko ang kwartong tinutukoy nito. I tiptoed through the hallway until I finally managed to reach his door. Nakabukas iyon.
"Cole.."
Wala siya. Isang malaking kalandian 'tong ginagawa ko pero promise, wala akong balak na gawan ng anumang kahalayan si Cole ngayong gabing ito, ang gusto ko lang ay makatabi siya sa pagtulog. Sinalubong ako ng pamilyar niyang amoy nang makapasok ako. Malamlam ang kulay puting liwanag na nagmumula sa malaking bintana kung saan nagrereflect ang malamyos na liwanag ng buwan.
Kumunot ang noo ko nang namataan ko ang isang pamilyar na black lace lingerie. Nakapatong iyon sa kama niya na para bang naghihintay na may kumuha. Kinailangan kong lapitan para makasiguro. Halos umalpas ang puso ko nang masilayan ko sa malapitan ang manipis na tela nito. This was the exact design of the lingerie I bought the last time! Except the material was even more sexier and bolder. Kagat labi kong pinadaanan iyon ng kamay ko. Sobrang ganda, I wanted to try it on! Lalo pa at nahagip ng mata ko ang malaking salamin sa kwarto ni Cole.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...