Isang minuto yata akong nakatitig sa lalaki, malapit na akong kunin ng kanyang liwanag kung hindi pa may pumutok na monitor sa katapat kong cubicle. Damn. Anong ginagawa ko't para akong matandang dalagang kinulong sa kombento ng limampung taon at ngayon lang nakakita ng lalaki? I have a freaking boyfriend for God's sake! Handsome, rich, well-mannered, and with high morals hindi kagaya ng lalaking ito na... na... na mukhang kasalanan na tinubuan ng mukha--umangat sa pagkakaupo ang lalaki, I had a full view of his whole Spartan facade-- , tinubuan ng mukha, ng abs, ng malalakas na binti at--
"Madam!" nakalapit na pala si Cherry. Hindi ko man lang napansin.
Kinalas ko ang tingin sa estranghero, binalik ko kay Cherry. "Sinisigawan mo ako?"
"Para kayong nakakita ng diwata sa syudad," tapos ay ngumisi siya. "Lalaking diwata, alam mo ang tawag sa lalaking diwata, Madam?"
"Malay ko! Kanina pa kita hinahanap, yung mga papel na pinaayos ko sayo kompleto na ba?"
"Ok na ok na po. Kompleto na may dagdag pang info kaninang umaga. Nasa table ko po." Sinundan ko siya sa table niya..
"Sino 'yon?" pasimple kong tanong.
"Yung lalaking diwata?" ngisi niya.
Umikot ang mata ko kay Cherry.
"Bakit pinapasok ng guard 'yon, di ba bawal ang outsider sa area na 'to?"
"Pinapasok po siya kasi may ID po siya, hulaan niyo mada'm kung ano nakalagay sa ID niya.."
"Pag nahulaan ko kakalbuhin kita gamit ang tyani??"
"Joke lang po!" kandangiwi si Cherry.
"Engr. Cole Ramirez po ang nakalagay. Siya po ang partner niyo."
Oh God our Father in Heaven. That guy was a freakin 20 years old by his bad boy suit and attitude. He can't be an Engineer and worse be my partner. I have seen the profile of the client assigned to me and she's definitely the Chairman's sister-in -law Mrs. Mira Ramirez. Hindi ako pwedeng pumalpak dito kundi katapusan na ng buong career ko. This project was my biggest so far. I have got to design a whole brand new mini mall. I'd rather have an older engineer with lots and lots of experience to bargain. Not the types of that guy na hindi nga marunong sumunod sa dress code! Baka hindi pa nakakapagsuot ng hard hat sa buong buhay niya!
Ok, I'm judging the book by its cover. I know. But God, even if you took that cover off ...you would encounter dose and dose of...rippling hard muscles held intact by his golden brown skin? Shit. Not that route again, Funtalva!
"Hindi nila pwedeng gawin sa 'kin ito! Dahil tatlong engineer na ang umayaw sa akin itatapon na nila ako kung kani-kanino? Hindi lang ako ang masisira kapag napahamak ang project na 'to! No way, over my extremely dead body."
"Mada'm-" singit ni Cherry. Inabot ko ang papel na kailangan ko pero hindi pa ako tapos mag-rant. Naiinis talaga ako!
"Hindi nila akong pwedeng itapon kasama ng isang baguhang mukhang walang alam!"
"Oh, that's.....quite a big accusation, not to mention below the belt prejudice, you've got there."
Boses mula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko kay Cherry. Ginalaw niya ang ulo at mata niya, sinasabing may kalaban sa likuran. That deep masculine,almost erotic voice definitely came from Mr. Big Bad Boy from the Wild Wild West. Hindi ko na kailangang pumihit dahil humakbang siya paharap sa akin. Ngayong nasa harap ko na siya at isang ruler ang pagitan namin. Lahat ng adjectives na sinabi ko kanina tungkol sa itsura ng lalaki, kailangan doblehin, hindi, triplehin tapos imultiply sa one million. Hindi ko maikurap ang mga mata ko.
Kaya naman. Isabel. Mind over matter. Hindi. Mind over one hell of a golden Spartan warrior!
"They said do not judge a man of his size until you see him naked. There's always more than meets the eye." his voice was the sound of a hush you hear when you're about to eat a lot of chocolates, when you're about to have sex with a random guy and when you're about to sneak out at night on your window when you're mama clearly said you needed to stay at home. Sa madaling salita, kaboses niya ang sulsol sa utak mo na madalas nagpapahamak sayo.
His accent was not pure American, it had a Latin drawl on it that added to his extremely sexual persona. Hey, this was not the right time to fantasize Isabel, what are you? A fifteen year old?
"Wala akong balak na makita kang hubad"
Tinawanan niya ako. Ang tawang kagaya ng sinabi ni Cherry, nakakatunaw ng panty. "That's not what I mean. But if you insist I can always make you want to."
"Hindi mo ako madadaan sa pa-cute mo"
"Oh. Ok. Hindi ako nagpapa-cute. I am simply talking to you in the most civil way possible pagkatapos mong maliitin ang pagkatao ko in a span of three minutes na nagkita tayo. Hindi ko na kasalanan kong tingin mo cute ako."
Napaawang ang labi ko. Gusto kong sumagot pero natuyo ang lalamunan ko kaya tinikom ko ang bibig ko.
"You must be the famous lady Architect Isabel Funtalva?" Inilahad nito ang kamay. I stared at his veiny hand with endlessly long, sexy fingers. "I'm Cole Ramirez. It's my pleasure to meet you."
Nakatitig lang ako sa kamay niya. Kaya naman nahihiya niyang binawi ito at napakamot nalang sa likod ng leeg. Ayokong tanggapin ang kamay na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang epekto niya sa katawan ko simula nang lumapit siya at malanghap ko ang amoy ng balat niya at singaw ng katawan. Hindi ko alam na may lalaking ganoon kabango. Mabango si Nathan pero, kakaibang bango ang meron si Cole. Baka mapanu ako kapag nagdikit ang kamay namin.
Tatalikod na sana ako nang tumunog ang intercom ni Cherry.
"Pinapatawag daw po kayong dalawa, Engr. Ramirez at Arch. Funtalva sa office ng Vice President. Ngayon na po." ani Cherry.
Napapadyak ako ng marahan. Umikot ang tiyan ko sa amoy niya, gusto kong takpan ang ilong ko.
"After you, bonita."
Bonita? Bonita malamang ang tawag niya sa lahat ng babaeng nauto, inuuto, at uutuin niya. Walang akong balak mapabilang sa huling katergorya. Kaya nilampasan ko siya at hindi pinansin ang perpektong tawa niya na para bang pinangangalandakan na mas nauna niyang nadiskubre ang tootbrush at toothpaste kaysa sa kahit na kanino sa building na ito.
Hindi ako naniniwala sa hate at first sight pero, parang ganoon ang nararamdaman ko sa kanya. Ang lakas ng bilib niya sa sarili, abot hanggang sa toktok ng tore ni Babel. Nasa likuran ko siya kaya naging conscious ako sa damit ko at sa hugis ng pwet ko sa pencil cut na palda ko na abot hanggang kalahating hita. Pinigilan ko ang sarili ko na abutin ang magkabilang laylayan nito ay hilahin pababa ang tela. Pakiramdam ko nakatitig siya sa hita ko dahil nagiinit ang mga iyon.
Kaya naman ay huminto ako at pumihit paharap sa kanya. Maling desisyon dahil sobrang lapit niya, nagsalpukan kami, muntik na akong tumalbog kundi niya lang nahawakan ang beywang ko.
"Careful," he said, he's breath on my nose, I almost felt his lips brushed to mine. He smelled like mint and expresso. Deadly combination for my senses. Napalunok ako at kaagad na lumayo. Naramdaman kong may naapakan ang takong ko. It made a distinct shattered glass sound.
"I said careful!" aniya sa iritadong boses.
Naapakan ko ang cellphone niya, nalaglag iyon dahil sinalo niya ako. Tapos... basag. Hindi siya nakatingin sa hita ko. Nakatingin siya sa cellphone niya kaya nagkabanggaan kami nang bigla akong tumigil. Inis niyang dinampot ang cellphone niya at parang batang nawalan ng laruan na sumimangot dahil doon.
"I'm sorry. I'll pay-"
"It's a gift, alright. You can't pay for it." dumilim ang maaliwalas niyang mukha. Tapos ay mabigat ang paa na nagpatiunang naglakad palayo sa akin.
Well, describe his attitude in one word; GRENADE. A high powered explosive. Gentle sa umpisa, pero 'pag natanggalan ng pin, sumasabog pala.
BINABASA MO ANG
Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)
RomanceArch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na kay Isabel Funtalva na nga yata ang lahat - ganda, tapang, talino, tamang diskarte, voluptuous na k...