Chapter Twenty-Two

29 2 0
                                    

  Chapter 22
Alexandrea's POV.

Nakalipas ang 3 araw. Walang kakaiba kay kvyn. I mean hindi siya nag shift to another personality. Kaya nandito kami sa dalampasigan habang magkatabing nakaupo sa buhanginan.
"Here it comes" sambit ko at sabay namin hinintay ang sunset. Ang ganda talaga ng kalikasan.
Why I love this kind of life.
Napabuntong hininga ako at nagpaakbay lang kay kvyn. Tahimik lang kami habang nakatingin sa papalubog na araw. Bukas ay tatlong araw nalang ang natitira sa pamamalagi namin dito.

Saan na kaya yung iba ? Ni hindi ko nakikita ang apat. Ewan kung saan sila napapadpad. Ayaw rin sumama ni kvyn gusto niyang lumulusong sa dagat.
Ang itim itim ko na siguro.

Napatili ako ng buhatin niya ako at naglakad palapit sa dagat.
Namilog agad ang mata ko.

"Huli na to. Tapos ay mamamasyal na tayo bukas. Na bobored na kana siguro kasama ako" sabi niya habang naglalakad sa malalim na parte ng dagat.
"Kev. Ipapaalala ko lang sayo. Hindi ako marunong lumangoy" kinakabahan kong sabi. Iniwan ko pa kasi ang salbabida.

"Hindi naman kita bibitawan my love" sabay lapag sakin pero dahil wala akong maapakan ay humawak agad ako kay kvyn.

"My sweet naman doon tayo" nguso ko sa may mababaw na parte.

"Umapak ka. May bato dito" kalmado paring sabi niya habang nakatingin sa susunod kong gagawin. Kaya dahan dahan naman akong bumitaw at kinakapa ang paa sa ilalim ng tubig.

Bumuntong hininga ako nang may bato nga at nginitian si kvyn.

"Dito ka lang. May sisisirin lang ako sa ilalim" Bigla ako napahawak sa braso niya nang lulusong sana siya sa dagat.

"Di kita iiwan. Dito lang ako sa ilalim. I promise magugustuhan mo ang kukunin ko" Tumango tango ako at di gumalaw sa kinatatayuan.

Pero Lumipas na ang ilang segundo hindi parin siya umaahon.
Waaaaaahhh..

Nakaramdam agad ako ng takot para kay kvyn.

Kanina pa siya sumisid eh.
"Kvyn ! Umahon kana hoy!" Nag aalala kong tawag at sinisid ko ang dagat pero ulo ko lang ang nilusong ko. Ang hapdi sa mata pero pinilit kong buksan ang mata ko sa ilalim ng tubig

at mas dumoble ang kaba ko at nanghina ang tuhod ko ng ni anino ay wala ako makita.

"Please umahon kana" nanginginig na ang buong katawan. Unti unti ng tumulo ang luha ko habang nakatitig lang sa may tubig.
"3 minutes na" wala sa sariling sabi ko. At naramdaman ko nalang na nilamon na ako ng tubig.
Hindi ako makahinga. Pinilit kong inangat ang sarili ko at inaabot ang bato kung saan ako nakatayo kanina.

Malapit nang mandilim ang paningin ko ng may humawak sakin at nagmamadaling umahon sa dagat. Naghahabol ako ng hininga habang sapo sapo ang dibdib.

"Bakit ka umalis sa bato?" Nag aalalang tanong ni kvyn. Wala pa rin ako sa sarili habang nauubo dahil sa nainom kong tubig alat.

"alexa?" Tawag niya pero wala ako maintindihan. Ang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ko alam kung anong nangyayari sakin para akong natataranta kaya wala sa sariling binaklas ang hawak ni kvyn.
"ALEXA!?"
"Alexa! Calm down" May sumasapo sa mukha ko at nabaling lang ang atensyon ko ng hinalikan niya ako at binigyan ng hangin.
Napakurap kurap pa ako bago natauhan.

"Are you okay now?" Mahinang tanong niya at sinuklay ang buhok ko at inilapit ako sa bato dahil naramdaman ko na may naapakan na ako.

"Bakit ka umalis dito?" Tanong niya

"E-Ewan ko. Hindi ko naramdaman" sabi ko at pinalibot ang mga braso sa leeg niya at naglambitin doon.
"Uwi na tayo" sabi ko.

"Yes. But let me give this to you" sabi niya at may pinakita sakin.
Doon lang nag rehistro sa utak ko kung ano ang ipinakita niya.

"Ya-Yan ba ang sinisid mo?" Sabi ko habang nakatingin sa hawak niya.

"Yeah. I hide this here this morning" inosenteng sabi niya at inilapit sakin "will you accept this?" Kinakabahan niyang tanong.

"Ikaw talaga ! Oo naman, I'm more than willing my sweet"

"I love you" masayang sabi niya at isinuot ang singsing sa daliri ko.

"Grabe, sa dagat talaga nag propose noh?" Natatawang tanong ko.

"Hehehe. Nahihiya ako eh" namumulang sabi nito.

Yun naman pala eh!

"Hindi ka romantic !" Pabiro kong asik at tinampal ang braso niya.

Ngumisi siya at dahan dahan na tinutulak ako.

No way !

"K-Kyle?" Kinakabahan kong tanong.

"Wrong. It's kvyn" at bago kami bumagsak sa tubig ay isiniil niya ang labi ko gamit ang labi niya  

| PECULIAR SERIES #1 | Kvyn FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon