Chapter Thirty-Four

24 2 0
                                    

  C

Paolo's POV.

"Boss wala naman sa usapan to" shit. Kasalanan ko to eh.

"Tss. Bakit mo pa ba ibibigay ang location niya kung hindi mo alam ang usapan." Seryosong sabi nito habang nakatingin galing sa malayong pwesto ni alexa ngayon.

Gusto ko siyang tulungan

"Pero, galing siya ng ospital. Kailangan niyang magpahinga" maliban sa anak niya ay ako lang din ang nakakasagot sa kanya ng ganito.

"Wala akong pakialam" Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama kay alexa. Patawarin mo ako kung ginawa kong excuse ang magazine para mapicturan ka. Sana hindi to malaman nina trina dahil lagot ako sa kanila. Bago pa ata ako makita nun ay nabaril na ako ni daniella.
"Tignan mo nga ang babaeng yun kung huminga pa" napaangat ako ng tingin sa gawi ni alexa at nakatungu to at parang nasasaktan.

"Tito naman. Kahit ipahiga ko lang siya sa kama please" pag mamakaawa ko. Di ko na kaya ang kalagayan ni alexa.

"Tss. Dalhin mo sa kwarto mo. At TALIAN mo. Naiintindihan mo?" Kahit papaano ay sumaya ako kaya dali dali akong lumapit kay alexa at pinangko siya. Mamaya na ako makikipag usap sa kanya.

"Hindi kita pababayaan. Trust me mabait si tito" mahinang bulong ko sa kanya at ngumiti.

Kherro's POV

Napabaligwas ako ng upo nang naalala ko ang nangyari kanina. Dalawang pares ng mata ang gulat na napatingin sakin

"SI LEO?" Natataranta kong tanong

"Bigla siyang nawala kasama ni Terrence" sagot ni timothy

"Ha? Si-Si alexa?!" Biglang nag iba ang ekspresyon nila kaya natakot ako bigla

"Huy! Ano?"

"Nawawala siya. Nandun na ang daddy ni alexa at hindi kami pinayagang sumama" malungkot na sabi ni jake kaya dali dali akong tumayo. Pero umikot ang paningin ko kaya napahiga ako ulet sa kama

"Tss. Magpahinga ka muna. Kinausap ko na si daniella kanina para tumulong" Sabi ni timothy ng maalala ko ang pag tulong niya para mahanap din si alexa sa isla nun.

"Hm. Pati na rin sina trina handang tumulong" dugtong ni jake. Napatitig nalang ako sa kisame at inaalala ang nangyari simula ng nagkita ulet kaming lima sa opisina ni kvyn. Ok naman na ang lahat kahit na may MPD si kvyn.

Pero itong nangyayari ngayon ang hindi ko maintindihan. Bakit nila kinuha si alexa. Anong motibo nila ?

Napahawak ako sa sentido habang malalim na nag iisip. Ngayon ko lang nalaman na ang yaman pala ng pamilya ni alexa. Noon ang alam ko lang ay mag isa nalang siya nung nakilala namin siya sa isang charity ball na yun. Naalala ko pa pano kami nag unahan pumorma at magpacute para mapansin niya.

Pero ang hinayupak na kvyn ang pinili niya. Dahil sa kasunduan namin na kung sinong pipiliin ay maiiwan ang ang iba ay aalis para maka move on.

"Kherro" mahinang tawag ni timothy sakin kaya lumingon ako sa gawi niya

"Nakausap namin kanina ang doktor ni alexa" nagdadalawang isip pa ito

"Hmm?"

"Buntis si alexa"

O_O  

| PECULIAR SERIES #1 | Kvyn FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon